Tulad ni Francis M, rapper ang dating ng komedyanteng si Ramon Bautista sa bagong TV commercial ng NESCAFE Iced Coffee.
Sinabi ni Bautista na dahil kasama niya si Francis M na kilalang master rapper, naging malaking bagay para sa kanya ang maging endorser ng naturang produkto.
“Isa siya sa mga idolo ko. Sinaulo ko pa ang mga rap song niya noong early ‘90s. Isa siyang true legend, isang mabait na tao rin,” sabi pa ni Bautista.
Unang nakilala si Bautista sa defunct TV comedy show na Strangebrews na, rito, gumanap siya sa iba’t ibang karakter tulad ng sirenang kumakanta sa kalye, taong-grasa, labanang panday at tubero.
Gayunman, nagsimula ang pagsikat niya sa Dan Michael the master magician videos na ipinakita bilang interstitial videos sa 2004 MTV Pilipinas Awards. Dito siya nagsimulang mapansin ng MTV people at ipinanganak ang TV segment na The Ramon Bautista Show. Dito, nag-iinterbyu siya ng mga musikero mula sa iba’t ibang banda. Ginagaya niya ang istilo at ayos ng bawat guest ng kanyang segment.
At ano ang inspirasyon niya sa kanyang mga karakter?
“Nakakakuha ako ng bagong idea kapag bagong gising ako. Kailangang gising ang isip mo sa sandaling iyon. Kailangan kong maging listo. At nakakatulong ang NESCAFE Iced Coffee,” sabi pa ng komedyante.
Kasalukuyang nagtuturo si Bautista ng dalawang film subject sa University of the Philippines at co-host siya sa Studio 23 travel show na Pasyal at host din sa MisFit segment ng GamePlan ng naturan ding istasyon. Lumabas na rin siya sa mga music video ng Sugarfree at iba pang banda.