Juday at Alfie nagkaayos na

Naudlot ang nagba­bad­­yang malaking giye­ra na nag-umpisa na sa pagitan nina Judy Ann San­tos at manager niyang si Tito Alfie Lo­renzo. Kahapon sa The Buzz, sinabi ni tito Alfie na nagpunta na sa kanyang bahay si Juday para mag-usap sila. “Wag ko na raw siyang isulat,” sabi ni tito Alfie sa interview. “Pinabasa na raw sa lawyer niya at okey naman daw. Cor­porate law­yer daw ‘yun,” ku­wen­to pa ni Tito Alfie referring sa kontrata ng bagong alaga.. Ku­matok daw sa bahay niya ang aktres.

Nagmuntik-muntika­nan na talagang magka­roon ng malaking giyera sa pagitan nilang dala­wa na nag-umpisa nang hin­di pumirma ng pani­ba­gong kontrata si Juday sa ABS-CBN at pansaman­talang ipa-cancel dahil ipa­­babasa raw muna niya sa kanyang laywer. Nagkataon naman noon na may victory party ang peli­kulang Kulam... kaya agad may sagot si Juday sa isyu. Say ni Juday noon, gusto niyang ipabasa sa lawyer ang pipirmahang kontrata dahil gusto niyang magkaanak oras na mag­pakasal sila ni Ryan Agoncillo at baka magkaroon ng conflict.

Dahil dun ay nag-init ang ulo ni Tito Alfie at hinila niya si Juday sa isang sulok ng venue ng presscon at doon sila nag-usap na halos magsigawan.

Pakiramdam ng manager pagkatapos ng 20 years bakit ngayo’y kailangang ipabasa ng aktres ang kanyang kontrata. Eh samantalang nung nag-umpisa naman daw sila ay wala silang pinag-uusapang abogado. Yumaman daw si Juday na wala sa plano niya nang sugalan niya ang career nito 20 years ago.

Show comments