Kahit pa sabihin na modernong lalaki ang isang Dingdong Dantes, tagos pa rin sa kanya ang mga ugaling Pinoy.
Kaya nga mas okay sa kanya na umakyat ng ligaw sa bahay ng mismong babae sa panahong ito kaysa sa mga bars na nagsisilbing tagpuan ng mga gustong magkaligawan.
Ganyan nga ang tema ng kanyang commercial sa Gran Matador Brandy kung saan makakasama niya ang kinagigiliwang si Marian Rivera.
“Kung seryosohang usapan, seryosohang proseso rin dapat,” wika ng endorser ng Gran Matador Brandy na ngayon ay kilala bilang Fredo sa Dyesebel na katatapos lang ipalabas sa GMA 7. Hindi nagbibiro si Dingdong.
“Of course, if I would have a daughter, I would want her future boyfriend to go through that process. Maaaring hindi ‘yan pormal na pag-uusapan ng tatay at isang manliligaw pero iba pa rin kung hihingin mo ng pormal yung kamay ng babae sa mga magulang niya at magpapaalam ka,” wika ni Dingdong.
“It’s because our Filipino culture really values respect. Getting to know the family ay bonding time rin kaya this is also a chance to celebrate,” ani Dingdong.
Ayon pa ni Dingdong, importante na maging responsable ang lalaki at maipakita na kaya niyang suportahan ang pamilya.