^

PSN Showbiz

Mariel at Bianca BUMUSINA

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Gusto naming pasalamatan sina Mariel Rodri­guez at Bianca Gonzales sa pagkakaroon ng respe­tong bumusina sa amin bago nila tinanggap ang pag-upo bilang kapalit namin sa Showbiz Mismo sa DZMM.

Sabi ni Mariel, “Nanay, magpapaalam lang po ako sa inyo, kami po kasi ni Bianca ang pinauupo ni Tito Boy (Abunda) sa radio program ninyo, si Tita Cory (Vidanes) daw po ang nag-advice sa kanya.

“E, ayoko naman pong basta maupo, I’d like to let you know muna. Respeto lang po,” sabi ni Mariel.

Si Bianca naman ay nagpadala sa amin ng mahabang text message, ganun din ang tinutumbok ng kanyang mensahe, bumubusina muna ito bago maupo sa dati naming programa sa radyo.

Walang kaproble-problema, sinumang maatasan ng network na pumalit sa aming puwesto ay dalawang kamay naming tatanggapin, hindi kami masasaktan at lalong hindi namin pepersonalin ang sinumang papalit dahil sumusunod lang naman sila sa kung ano ang sinasabi sa kanila ng istasyon.

At may karapatan namang maupo bilang anchor sina Mariel at Bianca, madadaldal sila at may alam, pakikinabangan ng radyo ang kanilang talento.

Pero kahit pa sumusunod lang sila sa abiso ay nagkaroon pa rin sila ng respetong tumawag at magpaalam sa amin.

Parehong alaga ng kaibigang Boy Abunda sina Mariel at Bianca, aral kay Boy ang kanyang mga alaga, kung gaano kamarespeto si Boy ay ganun din ang mga inaalagaan niyang artista.

* * *

Aksidente naming napanood ang concert ni Ronnie Liang nung Biyernes nang gabi sa Rembrandt Hotel Ballroom. Nagpamasahe kami sa penthouse, madadaanan ang ballroom pagbaba namin, kaya nakita kami ng kanyang manager na si George Roca at ng ilang kaibigan-kasama sa panulat.

Makabuluhan ang gabing yun para kay Ronnie, malaking tulong ang maibibigay niya sa pamaha­la­ang lokal ng Gumaca, Quezon, kaya ang title ng kanyang show ay Ronnie Liang Sings For A Cause.

Nung sumilip kami sa ballroom ay malapit nang kumanta ang guwapong balladeer, ang banda ni Rox Puno na anak ni Rico J. ang kanyang back-up band, malayo na nga ang nararating ng Kapam­pangang singer na ito.

Nararamdaman na niya ngayon ang ibig sabihin ng kakapusan ng tulog at pahinga pero si Ronnie na rin ang nagsabi, kapag meron tayong magan­dang plano para sa ating pamilya ay balewala ang pisikal na sakripisyo.

“Landscape na lang po ng bahay namin ang hindi pa tapos, konting pagpupursige pa at mata­tapos na rin ang lahat-lahat. Ang mahalaga po, hindi na kami nakatira sa kamalig ngayon, meron nang disenteng bubong ang family ko.

“Ipinangako ko sa nanay ko na malapit lang sa kuwarto niya ang magiging CR niya, yun lang po kasi ang hiling niya dahil matindi ang kanyang rayuma.

“Hindi po siya makalakad nang maayos, napa­pagod agad siya, kaya nung itinatayo na ang bahay, talagang ipinalapit ko lang sa kuwarto ng nanay ko ang CR niya,” sabi ni Ronnie.

Dagdag pa niya na napakasarap daw ng paki­ramdam na nakikita ang bunga ng mga pinaghi­hirapan niya.

“Masaya po ngayon ang parents ko dahil hindi na masakit ang loob nila sa pagkakasanla ng bahay namin na hindi na natubos,” kuwento ng mabait na singer.

Naalala na naman naming bigla ang unang pagkikita namin sa Punchline kung saan umiiyak ang binata dahil sa kabiguan niyang makapasok bilang finalist ng isang singing contest sa GMA 7.

Tapos na yun, nakahakbang na siya nang pasulong, mabait ang kapalaran kay Ronnie Liang

BIANCA

BIANCA GONZALES

BOY ABUNDA

GEORGE ROCA

LANG

MARIEL

NIYA

RONNIE

RONNIE LIANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with