Kami ang waring nahiya nang harap-harapan ay tanungin ng isang reporter kasama ng ibang press people kung nagpaayos uli ng ilong si Katrina Halili. Puwede naman silang dalawa lang ang magkasama sa ganitong nakakahiyang tanong. Idinaan na lang ni Katrina ang sagot sa ngiti at nagsabing hindi naman niya ito itinago kahit noon pa.
Tinanong din siya kung ano ang masasabi sa muli nilang pagtatambal ni Dennis Trillo sa Gagambino.
“After four years mas nagsasalita na siya ngayon dahil sobrang tahimik nito noon at laging nasa isang tabi lang. Pero ngayon nakikipagkwentuhan na siya sa akin,” anang aktres.
Enjoy siya sa kanyang role sa Gagambino dahil naiiba ito. Isa siyang sexy star by profession at handang lipulin ang kasamaan. May kapangyarihan siya mula sa praying mantis na may malalaki at mahahabang patalim na mistulang higanteng balisong sa braso.
“Nag-aral din po ako, Tita ng stunts dahil kailangan kong tumalun-talon at dapat mabilis akong kumilos kaya may fight instructor kami,” dagdag pa ng aktres.
Bagama’t ayaw nitong aminin na mag-on na sila ni Kris Lawrence, sinabi niyang mag-MU na sila (8 mos.) at nagsisilbi itong inspirasyon niya ngayon dahil mabait at marespeto ang singer. Nagkakilala sila sa isang show sa Amerika na naging daan ng kanilang paglalapit ng loob.
* * *
Balik-TV si Raymart Santiago after six months at magkasama sila ni Dennis Trillo sa Gagambino. Isang pulis ang papel na gagampanan nito na magtuturo kay Bino (Dennis) kung paano gamitin ang powers nito.
Anim na buwan ding nabakante ang aktor kaya naging abala ito sa pag-aalaga sa anak na si Santino na isang taon at tatlong buwan na ngayon. Naglalakad na ito at nagsasalita nang pabulong kaya aliw na aliw sa anak.
Baka after three years pa nilang masusundan ang anak dahil gusto nilang apat ang maging supling. Bonding time nila ang pagpunta sa ibang bansa kapag libre si Claudine Barretto o kung andito man siya’y nagdi-dinner date silang mag-anak.
* * *
Nalilibang kaming basahin ang libro ni Nestor Cuartero titled At Large, At Leisure lalo na sa mga bahaging may mumunting mga milagro sa patotoo ng mga taong may matibay na pananampalataya kay Lord kabilang na ang mga patron na sina St. Pio, St. Lucy, St. Expiditus. Araw-araw binabasa namin ito para magkaroon ng higit pang kaalaman sa iba’t ibang bagay gaya ng virgin coconut oil, Philippine fiestas at iba pa.
* * *
Pasasalamat: Sa mga taong nakaalala sa aming kaarawan (October 16) at dumalo sa aming pagdiriwang gaya ni Wilson Tieng, Congressman Irwin Tieng, Solar UIP Family, ABS-CBN, Delia Razon, Councilor Ariel Inton, Jr., Press Undersecretary Robert Rivera & wife Elyza na nagdala pa ng crew para sa programa niya (NBN 4) para mainterbyu ang inyong lingkod, Valerie Concepcion, Nelia Lim at mga alagang sina Juan Rodrigo, Nonoy Zuñiga, Marri Nallos, Carla Varga, Angelica & Beth Jones, Beth Tamayo, Arnold Clavio, mga kaibigan sa press like Vero Samio, Rowena Agilada, Virgie Balatico, Linda Rapadas, Crispina at Nards Belen, Arthur Quinto, Albert Minguez, Letty Celi at Gypsy Valdovino.
Sa aking pamilya, sa lahat ng walang sawang pagsuporta at pagmamahal.