^

PSN Showbiz

Kabaklaan ng Sexbomb ayaw ng televiewers

- Veronica R. Samio -

Inamin ni Joy Cancio, GMA 7 co-producer at manager din ng programang Daisy Siete na nasa ika-20 season na ng Sexbomb na nawalan sila ng ilang percent ng mga manonood dahil hindi naka-relate sa istorya ng mga bading ang mga nanay at kasambahay na dating mga suki ng Daisy Siete sa katatapos nilang episode na Vaklushii kung kaya sa bagong season nila na magsisimula bukas ay mga tindera at mga simpleng tao na naman ang mga bida sa kuwento.

Pinamagatang Tinderella, magkakasamang muli sina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia bilang mga bida, siyempre kasama nila ang buong pwersa ng Sexbomb at ang Roco twins na sina Dominic at Felix, Natasha Ledesma, Carmen Sanchez, Lou Veloso, Daniel Fernando, Jack Rodrigo, Aaron Flores, Tariq at marami pang iba.

* * *

Walang hindi gagawin si John Prats para maipa­kita ang kanyang versatility. Kasama na rin siya sa lumalaki pang cast ng I Love Betty La Fea bilang dyowa ng bading na si Hugo na ginagampanan ni Thou Reyes, isa sa mga creative directors ng Eco Moda.

Iniisip n’yo kung paano bibigyang buhay ni John ang kanyang bagong role? Panoorin Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN, pagkatapos ng Dyosa.

* * *

Kahit matagal na silang hindi napapanood sa entertainment scene, aktibo pa rin ang magkakapatid na Emil, Art at Jun na mas kilala sa pangalang Tiongco Brothers. Mapapanood sila sa Pagcor Club sa Hotel Venezia sa Subic Bay Freeport sa Oktubre 20, Lunes, 9 p.m.

The brothers will sing songs popularized mostly by foreign singers, ang trend noong panahon nila as Four Aces of the Philippines.

* * *

Nabura na ang negatibong image ni DJ Twister Mo na nakuha niya bilang isang DJ sa radyo nang makuha siya bilang isa sa mga hosts ng Showbiz Central (SC). Isang malaking sorpresa sa mga manonood at maging sa mga nagiging panauhin sa show na pwede naman palang maging lovable si Mo na maituturing na asset ng SC na patuloy na humahakot ng manonood sa pagdaraan ng panahon.

Birthday ni Mo at ise-celebrate niya ito ngayong hapon sa SC. Haharap siya sa iba’t ibang level ng forbidden issues sa Love Me, Hate Me But Don’t Lie To Me segment ng programa. Ewan ko lamang kung papayag siyang masapawan ng isa sa mga guests na si Dennis Trillo na mayroon namang pasasabugin tungkol sa mga babaeng nakarelasyon niya noon. Dalawa lamang ito sa pambato ng SC ngayong Linggo, kaya tumutok na!

* * *

Makalipas ang ilang buwan sa ere, malalaman at matutunghayan na ang pagtatapos ng ABS-CBN daytime series na Ligaw na Bulaklak, na pinagbi­bidahan ni Roxanne Guinoo, ngayong October 24.

Napatunayan na ni Roxanne Guinoo ang kanyang kakayahan bilang isang dramatic actress sa Ligaw na Bulaklak. Hindi biro para sa dalagang aktres ang maka-sama ang mga respetado at multi-awarded na aktor at aktres sa industriya katulad nina Sid Lucero, Noni Buencamino, Ara Mina, Coco Martin, Mark Abaya at iba pa kaya naman hinusayan niya talaga ang pagganap sa role.

Wag palalampasin ang huling linggo ng Ligaw na Bulaklak, na pinamamahalaan ni direk Andoy Ranay, sa ABS-CBN.

* * *

Matapos ang mahigit sa 15 taong pagsasama bilang miyembro ng sikat na grupo ng mga hip hop dancers na kilala sa pangalang Streetboys (Vhong Navarro, Jhong Hilario, Maynard Marcellano, Nino Manalo, Chris Cruz, Sherwin Roux, Fritz Tibay, Jonathan Granaderos, Jemarth Lalie, Carlo Quintos at Joey Andres) hindi lamang sa larangan ng pagsasayaw matagumpay ang mga miyembro, individually, successful din sila sa negosyo, sa pamilya at maging bilang solo performer. Pero hindi ito dahilan para kumalas sila sa Streetboys, katunayan merong bagong album na inilabas ang Star Records, ang Let’s Dance, isang Dancexercise Instructional Audi-Video CD) na nagtuturo ng pagsasayaw at page-exercise.

The album contains five different songs na may dance steps demonstrated by the Streetboys sa pamamagitan ng video. Ito ang Sige Igalaw, The Hustle, Pata-pata-pon, You Should Be Dancing at ang carrier sngle nitong Ayos Na ang Butu-Buto na kinakanta ni Vhong Navarro samantalang ang apat pang tracks ay ang Streetboys ang mismong kumakanta.

Si Direk Chito Roño pa rin ang manager ng Streetboys.

* * *

Nakakawalong Bedazzled shows na sa Club Mwah ang magka-partner na Pocholo Malilin at Cris Nicolas. Malaki ang mawawala sa inyo in terms of good entertainment kapag ni isa ay wala pa kayong napapanood.

Dalawang Bedazzled show ang tampok pa rin sa pinakagarbong entertainment place na matatagpuan sa Boni Ave. ng Mandaluyong City, ang Bedazzled 6 na pinalalabas tuwing Huwebes at ang pinaka­bagong Bedazzled 8 tuwing Friday and Saturday, 9 p.m. Para sa ibang detalye and for reservations, tuma­wag lamang sa 535-7943/532-2826.

Abangan ang muling pagtatampok kay Melanie Marquez kasama ang Follies de Mwah sa isa pang espesyal na palabas na handog naman ng Psalmstre, manufacturer of New Placenta products.

vuukle comment

AARON FLORES

ANDOY RANAY

BULAKLAK

DAISY SIETE

LIGAW

ROXANNE GUINOO

STREETBOYS

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with