^

PSN Showbiz

Dahil Kay Kris The Buzz itatapat sa Startalk

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Napatunayan ko ang kabaitan ni Paolo Bediones nang magkasama kami sa station ID shoot ng GMA 7 sa White Cross Orphanage.

Nakita ko na sincere si Paolo sa pag-aalaga sa dalawang bata na nakatoka sa kanya. Sa totoo lang, hin­di nga bumitaw sa kanya ang mga bagets na parang nakakita ng tunay na ama sa katauhan ni Paolo.

Cute din ang dalawang bata na na-assign sa akin na binola-bola ko pa para makuha ko ang kanilang mga tiwala.

Naloka lang ako sa mga bagets dahil sa kani­lang mga dialogue na hinihintay raw nila ang mga Amerikano na mag-aampon sa kanila. Talagang naka­kundisyon ang mga utak ng mga bagets na mga foreigner ang magiging adoptive parents nila!

Umalis kaagad ako sa White Cross pagkatapos ng shoot pero I shall return dahil iniisip ko na gawin doon ang 7th birthday party sa susunod na taon ng aking apo na si Kinsey.

Siyempre, na-guilty ako sa kuwento ng mga bagets na palaging may  party sa White Cross pero hin­di naman nila kilala ang mga nagse-celebrate ng birthday. Dedma rin sila sa mga hamburger, hotdogs at ice cream dahil ito raw ang madalas na handa sa mga party na idinadaos sa White Cross. Sosyal ang mga bagets ‘ha?

* * *

Kumalat ang tsismis noong Huwebes na ililipat daw sa araw ng Sabado ang The Buzz at tuwing Linggo na ang Entertainment Live.

Ang ibig sabihin, makakatapat na ng Startalk ang The Buzz at ang Shwobiz Central na ang kalaban na show ng Entertainment Live.

Kung totoo man ang tsismis, ready ang staff ng Startalk sa tapatan na mangyayari. Hindi tatagal ng 12 years ang aming show kung hindi kami palaging handa.

Nanggaling sa Startalk si Boy Abunda. Hindi probl­ema sa amin na magkatapat ang aming mga show dahil kagaya ng sinabi ni Richard Gomez, friendly competition lamang ang lahat.

Hindi pa confirmed kung true ang tsismis na babalik na si Kris Aquino sa The Buzz pero may nagkuwento sa akin na siya ang dahilan kaya ilalagay sa araw ng Sabado ang The Buzz dahil nagsalita noon si Tetay na ayaw niyang magtrabaho tuwing Linggo.

* * *

Natapos na kagabi ang Dysebel. May time na si Alfred Vargas na ipagamot ang kanyang pimples na lalong dumami dahil sa stress.

Tinalak-talakan ko si Alfred noong isang araw dahil sa kanyang pimples. Hindi niya puwedeng ikatwiran  sa akin na nagkaroon siya ng pimples dahil napupuyat siya sa mga taping at shooting.

Hindi ko matatanggap ang katwiran na ‘yon dahil lahat ng artista eh napupuyat pero wala silang pim­ples!

* * *

May mga nagtaas ng kilay sa statement ni Isabel Oli na virgin pa ito. Nakoo, huwag na kayong mang-intriga. Paniwalaan n’yo na lang ang siney ni Isabel dahil mas kilala niya ang kanyang sarili. Siya at tan­ging siya ang higit na nakakaalam sa katotohanan.

At least, may isyu na sasagutin si Isabel. Napag-uusapan siya at ang participation niya sa Gagambino.

Igalang natin si Isabel at ang kanyang mga sinasabi. Huwag na kayong mag-react. Mag-violent react­ion na lang kayo kung ako ang magsasabi na virgin pa ako!

ALFRED VARGAS

BOY ABUNDA

DAHIL

ENTERTAINMENT LIVE

ISABEL OLI

SHY

STARTALK

WHITE CROSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with