Goma excited na uli kay Sharon
Eighteen na si Rhian Ramos at puwede na siyang magka-boyfriend. Pero ang magka-boyfriend ay hindi priority kay Rhian kundi ang kanyang gumagandang showbiz career lalupa’t siya ang bida sa Lalola na nagsimulang mapanood noong Lunes.
Sa kabila ng mga negative publicites na naglalabasan tungkol kay Rhian, hindi na siya nagpapaapekto tungkol dito at mas nagku-concentrate na lamang siya sa kanyang trabaho.
Kung magpapaapekto nga naman siya, siya ang talo dahil tiyak na apektado rin ang kanyang trabaho.
First time na makatrabaho ni Rhian si JC de Vera at nakikita niyang meron silang chemistry.
Since busy ngayon si Rhian sa kanyang showbiz career, sumailalim siya ng Philippine School of Integrated School (PSIS), isang home study program at siya’y nasa 4th year high school na.
* * *
Sa press launch ng Family Feud, ibinalita ni Richard na muli silang magtatambal sa pelikula ng megastar na si Sharon Cuneta under Star Cinema at ito’y sisimulan sa buwan ng Enero.
May ilang taon na ring hindi gumagawa ng pelikula si Richard na ang last movie ay ang Filipinas.
Aminado si Richard na enjoy siya sa team-up nila ni Sharon noon na minsan din niyang minahal.
Marami-rami rin silang pelikulang pinagtambalan at kasama na rito ang Buy One, Take One, Ngayon at Kailanman, Walang Kapalit, Minsan Minahal Kita at iba pa na pawang blockbuster movies.
Kelan naman kaya muling magtatambal sa pelikula sina Richard at Dawn Zulueta, isa rin sa mga babaeng minahal nang husto ni Goma (Richard)?
* * *
Very inspiring ang success stories nina Senate President Manny Villar at Mother Ricky Reyes na parehong nagsimula sa mahirap, nagsikap at nagtagumpay sa kanilang respective fields na pinasok.
Inspiring din ang naging simula ng tagumpay ni Jaime Jim Acosta, ang founder at CEO ng Psalmstre Enterprises, Inc. ang kumpanyang siyang nagma-manufacture ng New Placenta, Glutamin, Olive-C, Vitaginseng at iba pa na ini-endorso nina Melanie Marquez at Katrina Halili.
Taong 1997 ito nang gawin siyang dealer at distributor at dito unti-unting nagsimula ang pagganda ng takbo ng negosyo ni Jim.
Bukod sa Psalmstre na siyang naging simula ng kanyang tuluy-tuloy na tagumpay, nakapagpatayo rin si Jim ng isang 3-storey factory sa Taytay, Rizal, printing company, ang Jamesquare Printing Corporation sa Cubao, Quezon City at isang spa, ang Jamespa habang ang kanyang tanggapan ay matatagpuan naman sa may Sta. Mesa, Manila.
Dahil sa magandang takbo ng mga negosyo ni Jim, napapag-aral niya ang kanyang mga kapatid at unti-unti niyang naiangat sa kahirapan ang kanyang pamilya.
* * *
- Latest