Gikumot-Kumot biglang sumikat

Hindi lamang ang mga kababayan nating tumu­tutok mula Lunes hanggang Biyernes nang umaga sa programang Tambalang F & S nina Korina Sanchez at Ted Failon dito sa bansa ang humihiling sa amin na ilabas ang lyrics ng Gikumot-Kumot na paboritong kantahin ng palabang tambalan sa radyo.

Pati ang mga kababayan nating matagal nang nanini­rahan sa iba’t ibang bansa na tumututok sa DZMM-Teleradyo ay ganun din ang hiling, gusto nilang magkaroon ng kopya ng mga letra ng kanta, kaya pagbibigyan namin sila ngayon.

Ang Gikumot-Kumot ay isang Visayan novelty song na pinasikat ng grupong Kantin, sa Cebu naka­pu­westo ang grupo, meron na silang album at ang isa sa mga kanta dun ang Gikumot-Kumot na matatas na nakakanta ni Ted at kinakarir namang kabisaduhin ngayon ni Korina.

Ayon sa Bisayang napagtanungan namin, ang ikot daw ng kuwento ng kanta ay may dobleng paka­hulugan, depende na lang sa nakikinig-kumakanta kung anong interpretasyon ang gusto nilang ibigay tungkol dun.

Ang mensahe pala ng kanta ay nilamu-lamutak ng malalaking kamay ang dibdib na may malaking-malaking pag-ibig.

Para kay Nimfa ng Zurich, kay Rey-Ar Reyes ng Winnipeg, Canada, kina Dr. Buddy Andres at Tita Josie ng Saskatoon, Tito Jun and Tita Vivian David ng Juvian’s-Winnipeg, Tito Jun and Tita Baby Mallare ng Portland, Oregon, Rene at Roma De Leon ng San Jose, California at marami pang ibang nagre-request sa lyrics ng kanta, para po sa inyo ito.

Gikumot Kumot

Gipanumpa ko na, nga kitang duha

Magtiunay sa ato nga gugma

Abi mo kita, magkadayon na,

Kay sa gugma mo, nanumpa ka...

Kalit gibyaan, ikaw na naghilak

Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.

Chorus:

Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot

Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.

Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot

Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.

Gipanumpa ko na, nga kitang duha

Magtiunay sa ato nga gugma

Abi mo kita, magkadayon na,

Kay sa gugma mo, nanumpa ka...

Kalit gibyaan, ikaw na naghilak

Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.

Chorus:

Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot

Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.

Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot

Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.

Kay Gikumot-kumot, gikumot-kumot

Gikumot-kumot, gikumot-kumot

Gikumot-kumot...

Kalit gibyaan, ikaw na naghilak

Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.

Chorus:

Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot

Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.

Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot

Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.

Kay Gikumot-kumot... !

* * *

Dapat pasalamatan ng grupong Kantin sina Ted at Korina, lalo na si Ted, na matagal nang pinatutugtog ang Gikumot-Kumot sa kanilang programa. Ang maraming singers ay kailangan pang magkaroon ng mall tour para lang sa kanilang album, kailangan pa nilang mag-guest sa iba’t ibang variety shows, pero ang Gikumot-Kumot ay nagkaroon ng napakagan­dang promo sa nangungunang programa nina Ted at Korina sa DZMM.

Walang bayad yun, ni hindi pa nga nila nakikilala nang personal ang grupong kumanta ng piyesa, talagang naaliw at nagandahan lang sila sa kanta kaya yun ang paborito nilang sinasabayan sa kanilang programa.

Napakaepektibong promosyon.

Show comments