Pulitiko At TV Host Madalas Mag-Casino Sa Macau

Isang kilalang pulitiko at isang TV host ang dalawa sa iilang artista na kilala ng Pinay janitress na nagpupunta sa Paiza Club ng The Venetian Hotel sa Macau. Yup, pag-enter namin sa comfort room ng High Ruler club sa nasabing hotel sa dating Portugese colony (ngayon ay Special Administrative Region ng People’s Republic of China) nung magpunta kami one weekend with ‘non showbiz friends’ - Peter, Ms. Arlyn, Lynnette, Iskho, nag-tsika agad ng Pinay janitress. So listen naman kami.

Say kasi niya, iilan lang Filipino ang nakaka-afford na makapasok sa exclusive club na mahilig mag-casino, pero careful siya sa pagku­kuwento. Basta, nagsu­su­gal daw ang pulitikong ito at ang nasabing TV host.

Ayaw masyadong magtsismis ni Ms. Pinay Janitress na naka-assign sa CR ng Paiza dahil baka nga naman ma-trace, masibak pa siya sa trabaho. Nakakaawa naman kaya hindi na namin pinilit, pero naibulong naman niya kung sino ‘yun. Wag na lang daw namin itsismis sa iba.

But anyway, isa lang siya sa napakaraming Filipino sa Macau na nagtatrabaho sa maraming casino doon.

Lahat kasi ng lugar na puntahan mo sa Macau, ang dami nating kababayan. Nagkalat talaga. Punta ka ng restaurant, casino, at maglibut-libot, makakasalubong mo sila.

Yung iba, nadala na ang kanilang buong pamilya.

Hindi namin nakausap, pero yung mga singer na iba sa Gondola ng The Venetian, mga alaga raw ni Ryan Cayabyab.

Bukod sa kabi-kabilang casino, pinaka-na excite ako sa Macau Tower. Grabe, parang nakakahilo pag nasa itaas ka na. Actually, nung nasa view deck pa lang kami sus, parang feeling ko mahuhulog ako sa glass floor. Imagine, nakatayo ka sa 233 meters up na makikita mo ang ilalim. At ito, puwede kang maglakad sa outer rim sa labas ng tower na ang sukat ng lalakaran ay 1.8 meters wide na ang tawag nila ay Skywalk X. Hindi yun kinaya ng powers ko. Kahit siguro bayaran ako, hindi ako lalakad sa outer rim. No way.

Pero hindi pa yun ang pinaka-highlight. Puwede ka pang tumalon mula sa tuktok ng Macau Tower. Kung malakas ang loob mo, puwede ka pang mag- bungee jumping. Hindi ko yata pinangarap na tumalon dun, pero pramis pag andun ka na, mai-excite at papangarapin mong sana, maga­wa mo yun.

Maraming nakapilang Kano para tumalon at maglakad sa outer rim para magpa-picture.

Ang Macau Tower ay miyembro ng World Federation of Great Towers. Ito rin ang pinakamataas na bungee jump.

Exciting...

* * *

Itinanggi ni Sen. Loren Legarda na nakisawsaw siya sa paglaya ni Ces Drilon matapos ito bihagin ng mga Abu Sayyaf. Hindi raw siya makikisawsaw kung hindi siya pinakiusapan na tumulong para agarang makawala sa kamay ng mga Abu Sayyaf ang ABS-CBN news anchor at dalawang camera­men.

Alam daw ‘yan nila Ms. Maria Ressa at Charlie Villa, bosses ng ABS-CBN News and Current Affairs ang mga nangyari at kung paano siyang pumasok sa eksena. At maging si Ces ay nakakausap niya nung panahong binantaan na silang papatayin.

“Hindi kaya ng konsensiya ko na mapanood ko sa TV Patrol na pinugutan siya (Ces) ng ulo,” sabi ni Sen. Loren.

Inakusahan na sawsawera si Sen. Loren matapos lumaya si Ces na ‘di katagalan ay nadiskubreng nagbayad pala ng ransom money kaya pinakawalan ng mga salarin.

* * *

Obviously, walang Star Magic stars ang naka­sama sa One Night Only, ang official entry ng Octo­Arts Films sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines.

Supposedly ay kasama sa pelikula si Angelica Panganiban, sila Diether Ocampo at iba pang artista ng ABS-CBN, pero nauna agad ang publicity na bida si Katrina Halili at lalabas na supporting lang ang mga ibang kasama kaya hindi na nga sila pinayagan.

Nasa final cast na sina Katrina, Diana Zubiri, Jenny­­lyn Mercado, Valerie Concepcion at Alessandra de Rossi. “Lahat naman kami rito maganda yung role and the different characters only allowed the film to present different strokes of comedy,” the girls chorused.

Siguradong walang papayag sa kanila na magsapawan kaya hindi puwedeng sabihing si Katrina lang ang bida.

For more on this movie, log on to “http://www.onenightonlymovie.com” www.onenightonlymovie.com

* * *

salve v. asis’ e-mail - salveasis@yahoo.com  

Show comments