Reklamo

Isang sulat ang ipinadala ng opisina ng counsel ni Nadia Montenegro na Rivera Santos & Maranan Law Offices sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para idulog ng pormal ang kanilang reklamo kay Ms. Cristy Fermin.

Sinasabi sa sulat na gusto nilang paimbestigahan ang mga pahayag ng TV host ng The Buzz laban sa kliyenteng si Ms. Montenegro noong October 5 episode ng talk show.

Dahil sa popular ang The Buzz at pinanonood sa hapon ng maraming tao kabilang na ang mga bata, hindi umano dapat pinag-uusapan ang mga sensitibo at personal na mga bagay lalo na kung walang pahintulot ng taong sangkot, ayon kay Derrick Delegencia, ang pumirma sa sulat na ipinadala sa MTRCB.

Idiniin niya sa reklamo na “There are limits that must be observed by television hosts.” (BR)

Show comments