Isang daang pelikula mula sa 35 bansa ang maglalaban-laban sa ika-sampung Cinemanila International Film Festival na tatakbo sa loob ng 14 na araw simula ngayong Huwebes, Oktubre 16 hanggang Oktubre 29 na gaganapin sa Cineplex 10 ng Gateway sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Ang pelikulang Sparrow ng Hong Kong ang siyang magbubukas ng festival. Ang nasabing pelikula ay nag-premiere kamakailan lamang sa Berlin Film Festival kung saan din ito napili sa kumpetisyon.
Sa international category, ang pelikulang Melancholia ni Lav Diaz ang isa sa makikipag-compete para sa Brocka Award kasama ang ibang entries mula sa Australia, ang Lucky Miles, Band’s Visit ng Israel, Night Bus ng Iran, Truth About Queen Raquela ng Iceland/USa/Philippines, United Red Army ng Japan at Vanished Empire ng Russia.
Mahigpit din ang labanan sa South East Asia competition tulad ng Adela ng Pilipinas, Blind Pig Who Wants to Fly ng Indonesia, Flower in the Pocket ng Malaysia, Love of Siam ng Thailand, 12 Lotus ng Singapore at The Photograph ng Indonesia.
Bibigyan ng parangal si direk Brillante Mendoza bilang Director in Focus dahil sa kanyang sunud-sunod na mga award-winning films.
Ang pagpapalabas ng klasikong pelikulang Bayan Ko: Kapit sa Patalim na dinirek ng yumaong si Lino Brocka ang magsasara ng festival.
* * *
Sayang at wala na ang kanyang amang si Fernando Poe, Jr. para saksihan ang magandang nangyayari sa career ngayon ni Lourdes Virginia Poe na mas kilala ngayon as Lovi.
Ang pangarap na ’yon nung siya’y apat na taong gulang pa lamang ay naisakatuparan na niya hindi lamang bilang isang kilalang mang-aawit at recording artist kundi maging bilang isang aktres.
Ang SonyBMG Records ang nagbigay katuparan kay Lovi bilang isang recording artist. Mula sa kanyang debut album.
Dalawang taon na ang nakakaraan nang unang nilabas ng SonyBMG ang debut album ni Lovi at ngayon, pinamagatang Bloom.
Bilang paghahanda sa launch ng kanyang pangalawang album, isang major concert ang magaganap ngayong Huwebes, October 16, 8 p.m. sa Music Museum na pinamagatan ding Bloom.
* * *
Mahigit 15 years na ang beauty czar na si Mother Ricky Reyes sa telebisyon na nagsimula pa sa kanyang Beauty School Plus at hindi na rin mabilang ang mga taong kanyang natulungan sa pamamagitan ng pagtuturo ng hair fashion sa telebisyon. Sa pagtatapos sa ere ng Parlor Game na tumagal din ng dalawang season sa QTV, isang kakaibang lifestyle magazine show naman ang kanyang sisimulan sa darating na Linggo, October 19, 10-11 a.m. na pinamagatang Life and Style with Ricky Reyes na magpi-feature at magpapakita rin ng tungkol sa beauty, fashion at celebrity lifestyle ng mga kilalang personalidad.
Ang Life and Style with Ricky Reyes ay kakaiba sa mga naunang TV programs ni Mother Ricky.
* * *
Personal: Belated birthday greetings to Alfonso ‘Tito Al’ Chu, ang concert producer ng Anaheim, California at sa ating kaibigan at kasamahan sa panulat na si Pilar Mateo noong Oktubre 12.