Katrina type na type ng anak ni Carlo Caparas
Ayaw na talagang maka-trabaho ng young actress ang young actor na matagal din niyang ka-loveteam. For the third time, tinanggihan nitong makapareha ang young actor sa isang episode ng drama series at ang pag-aaral pa rin nito ang in-alibi.
Nauna rito, twice nang inayawan ng young actress na makapareha ang former loveteam sa dalawang shows ng network kung saan sila parehong nakakontrata ng actor. Kahit alam niyang special request siyang maging leading lady sa episode ng series na pinagbibidahan nito, tumanggi pa rin siyang mag-guest kesehodang limitado ang TV appearance niya lately dahil wala pa siyang regular show.
Nagtatampo ang young actress sa dating ka-loveteam at ang pinakahuling ‘kasalanan’ ng young actor ay nang sabihing ‘depressed’ siya dahil walang regular show. Lalong lumala ang tampo ng young actress sa dating ka-loveteam at kung mapapanindigan, never na siyang makikipagtambal sa dating kapareha.
* * *
Naka-costume si Dennis Trillo sa presscon/launching ng Gagambino at nagsaya ang mga bading sa kanilang nakita. Biggest break ito ng actor sa GMA 7, kaya may pressure sa kanya. Mabuti na lang daw at suportado sila ng network, magaling na director si Topel Lee at magagaling ang mga kasama niyang artista.
Naniniwala si Dennis na kaya sila muling pinagtambal ni Katrina Halili rito dahil klik ang tambalan nila sa Magdusa Ka. Kuwento ng actor, marami silang kissing scenes ng actress at karamihan ay bruskong halik, sasaktan daw niya si Katrina rito.
Inintriga si Dennis na kapareho ng Gagamboy ni Vhong Navarro ang Gagambino, ano ang masasabi niya rito?
“Hindi ko napanood ‘yung show ni Vhong, pero ibang-iba ang Gagambino. Hawig yata sa Superman ang show niya, itong amin ay original at gawa ni direk Carlo J. Caparas. Ang alam ko, in-offer ito kay Richard Gutierrez dati, ‘di lang natuloy at masuwerte ako’t sa akin napunta. Thankful din ako’t sa akin ipinakanta ang theme song ng series,” sabi ni Dennis.
Samantala, may primer ang Gagambino entitled Gagambino’s Web na mapapanood sa October 19, after SOP, bago ang regular airing sa Oct. 20.
Si Dennis ang hosts at may interview kay direk Carlo, direk Topel at Don Michael Perez, head writer Suzette Doctolero, Katrina, Polo Ravales at Jean Garcia. Ipapakita rin ang costume designs, computer effects at ang training ng cast kabilang si Dennis.
o0o
Hindi mabilang ni direk Carlo J. Caparas kung ilan ng komiks material niya ang ginawang TV series. Ang pinaka-latest ay ang Gagambino ng GMA 7 at ang Pieta ng ABS-CBN. May five materials pa raw siyang naka-line-up sa Ch 2 at 10 materials sa Ch. 7.
Wala pang balak mag-retiro sa pagsusulat si direk Carlo, kaya expect more of his works to be made into TV series. Ipinagmalaki nitong siya lang ang nakakapag-lagare sa Kapamilya at Kapuso network na hindi naiintriga.
Ibinuking pala ni direk Carlo na crush ng anak niyang si CJ Caparas si Katrina Halili, kaya sumama ang binata sa presscon. Sexy daw palang talaga ang actress, malakas ang dating at parang nagde-demand ng attention ang kaseksihan. Crush din nito si Krissa Mae at minsan na ring nagka-gusto kay Heart Evangelista.
- Latest