Lovi balik-first love niya

Kahit nakangiti, nakikita pa rin ang lung­kot sa mga mata ni Lovi Poe at na­niniwala ang press na malaki ang kinalaman nang aborted romance nila ni Jolo Revilla sa kalungkutan ng singer-actress. Ang alam ng press, mas pinili ng dalaga ang ina over Jolo.

Ang maganda lang kina Lovi at Jolo, kahit on hold ang romance, friends pa rin sila and in fact, supor­tado ng huli ang first major concert ng una sa Music Museum sa October 16, billed Bloom. Pinakyaw daw ng young actor ang tiket sa concert ni Lovi, pero for sure, may natira pa rin para sa mga fans at ibang friends ni Lovi.

Guests ni Lovi sa kanyang concert sina Ogie Alcasid, Jay-R, Jan Nieto, Aljur Abrenica at Dennis Trillo. Ang madamdaming How Do You Keep the Music Playin’ ang duet nila ni Ogie, samantalang hindi alam ang numbers niya with her other guests.

Noong kainitan ng isyu kina Lovi at Jolo, nabalitang nakipag-break siya sa non-showbiz boyfriend niyang galing sa pamilya ng mga may-ari ng Mercury Drugs. Dito raw nagalit ng husto ang ina niyang mas pabor sa non-showbiz guy.

“Hahaha! Very private person ang guy na ’yon, but he remains special to me. Schoolmate ko siya sa Colegio de San Agustin at may MU kami since grade five ako hanggang first year college. Wala na yun, but he’s still there, he’s everywhere,” sagot ni Lovi.

Kumusta na ang puso niya ngayon?

“Okey lang! I’m a lot focused sa work at career ko and I’m happy. What makes me happy is that I’m back to singing na first love ko talaga. I also have a new album en­titled Bloom un­der Sony BMG at ka­sama ako sa La Lo­la. I’m busy,” sey nito.

Ibinalita rin ni Lovi na tapos na nila ni Joem Bascon ang indie movie na Walang Hanggang Paalam at ang actor ang first screen kiss niya.

* * *

Kasama ang Freestyle sa Back to Back to Back concert na gagawin sa Araneta Coliseum sa December 1. Nakapag-perform na ang banda with Side A Band, pero ngayon lang nila makakasama ang MYMP at kaya excited si Jinky Vidal ng Freestyle dahil kababayan niya si Juris Fernandez, ang female member ng MYMP.

Sina Jinky at Tat Suzara na lang ang original members ng Freestyle at first major concert ito ng members na sina Joshua Desiderio, Mike Luis, Nikki Cabardo, Romel dela Cruz at Gerald Banzon, kaya excited at handa nang magpakita ng kanilang galing.

Ayaw tawagin ni Jinky na showdown nila ng MYMP at Side A ang concert, kundi “colla­boration of years of playing music together and we’re celebrating the longevity of our career,” sabi nito. Sa 12 years ng Freestyle, marami na silang pinasikat na kanta at isasama nila ang mga iyon sa kanilang repertoire.

Produced ng Viva Concerts and Events ang concert. Tickets are priced at P2,625, P2,100, P1, 750, P1,150, P525, and P263. Available sa Ticketnet, Araneta Coliseum, and Viva Concerts at 687-6181 local 620 and 745.

Show comments