Hindi lang pala si Judy Ann Santos ang apektado sa naudlot na pagpapalabas ng Humiling Ka Sa Langit, ang kanyang supossedly bagong serye sa ABS-CBN kundi kahit ang mga artistang kasama niya. Madalas daw kasing i-pack ang taping. Last minute na raw parati ang cancellation at apektado na ang schedule ng ibang artista.
Minsan daw, hindi na makatanggap ng trabaho ang iba sa kanila dahil nga may abiso na meron silang taping, tapos last minute biglang cancelled. Hindi naman daw makareklamo ang ibang artista dahil nahihiya silang magsabi.
Malamang na next year na ipalabas ang Humiling Ka Sa Langit.
Matagal-tagal na ring pahinga sa TV si Juday kaya nag-aapela na rin ang kanyang mga fans dahil inip na inip na raw sila.
* * *
Isa sa mga in-demand na artista ngayon si Valerie Concepcion. At sa kanyang pagiging in-demand, iniintriga tuloy na mas marami pa siyang trabaho kesa kay Angel Locsin na kasama niya sa kuwadra ni Becky Aguila. Pareho kasi silang galing ng GMA 7 at halos sabay silang nag-alsa balutan sa Kapuso Network.
Bukod sa pagho-host, at sa kanyang bagong show na Banana Split, padagdag nang padagdag ang kanyang endorsements. Ang pinaka-latest ay ang energy drink na Energo.
Ito nga kaya ang nagbibigay ng energy kay Valerie dahil sa rami ng kanyang trabaho?
Isang formulated na energy drink na ginawa ng Aldrtz Corporation (100% Filipino owned business) na nagbibigay ng extra boost sa kahit anong ginagawa niya.
Swak na swak na endorser si Valerie.
* * *
Limang malalaking dambuhala, kabilang na ang tyranosaurus rex, ang itinuturing na pinaka-malaki at mabangis na dinosaur ang dumating sa Star City kamakailan para maging bahagi ng bagong Dino Island Park, na matatagpuan sa loob ng Star City.
Say ni Ed de Leon, ang limang dinosaurs ay tila buhay, gumagalaw, may tinig na maririnig mula sa kanila, habang sila ay pinakikilos ng mga computers, gamit ang sistemang tinawag nilang ‘animatronics,’ isang makabagong teknolohiya mula sa Korea.
Ang mga dinosaurs ay sinasabing tama umano ang laki, dahil ang pinagbatayan daw ng kanilang sukat ay ang mga fossils at skeletons na nakuha sa China at sa iba’t ibang lugar. Sinasabi nilang tama rin ang hitsura, kulay at galaw ng mga iyon na ibinatay naman nila sa mga pag-aaral ng mga paleontologists at iba pang mga dalubhasa sa pag-aaral ng mga dinosaurs.
“Ang layunin ng exhibit na ‘yan ay hindi lamang ang makapagbigay ng aliw kung di maging educational. Naniniwala silang ang pagbisita sa Dino Island Park ay makakadagdag sa kaalaman ng kahit na sino tungkol sa mga dinosaurs. Sa ngayon, ang kaalaman tungkol sa mga bagay na iyan ay limitado, maganda ngang mapasyalan ang Dino Island Park sa Star City,” dagdag ni Tito Ed.
Ang Star City ay bukas araw-araw mula ika 4:00 ng hapon kung weekdays at mula naman ika 2:00 ng hapon tuwing Biyernes, Sabado at Linggo.
“Bukod sa Dino Island Park, ipinagmamalaki rin ng Star City ang 38 na makabagong rides at ang Snow World na matatagpuan din sa loob ng park,” kuwento pa ni Tito Ed. (SVA)