Hindi na si Jolo Revilla ang tatay: Anak ni Rosanna Roces buntis na naman

Seen : Masusundan na ang panganay na anak nina Jolo Revilla at Grace Adriano. Buntis uli si Grace. Four months na ang kanyang ipinagbubuntis na sanggol. Ibang lalake ang ama. Hindi si Jolo na in love na in love pa rin kay Lovi Poe.

Scene : Ang parang bata na pag-iyak ni Phil Younghusband sa Celebrity Duets. Iniyakan ni Phil ang pagkakatanggal niya sa show.

Seen : Ang mga castaway ng Survivor Philippines na nag-iilusyon na magkakaroon sila ng showbiz career pagkatapos nilang matanggal. Kailangan nila ng reality-check.

Scene : Ang text message ni Gerald Anderson kay Pauleen Luna nang mag-guest ito sa Startalk noong Sabado. Ang protektahan ang kanilang friendship ang text message ni Gerald sa aktres na nali-link sa kanya.

Seen : Ang lousy attire nina Cherry Mercado at Martin Andanar sa The Evening News ng TV 5. Kailangan nina Martin at Cherry ng stylist. Hindi credible ang kanilang pagbabalita dahil apektado ito ng uri ng pananamit nila.

Scene : Ang last taping day ng Dyesebel sa Calatagan, Batangas noong Sabado. Ang Gagambino ang hahalili sa timeslot ng Dyesebel.

Seen : Ang pictorial ni Sarah Geronimo sa Preview Magazine. Mas maganda ang inside photos ni Sarah kesa sa litrato na ginamit sa cover ng Preview.

Scene : Marami na ang nagkakagusto kay Alex Gonzaga dahil sa kanyang bubbly at jolly character. Gamay na ni Alex ang pagiging host ng Juice! ikinukumpara na siya sa kanyang kapatid na si Toni.

Show comments