Angelika tatlong buwang buntis
Kaya pala iba ang aura ni Angelika dela Cruz sa presscon ng Lalola dahil bagong kasal ito sa matagal na niyang boyfriend na si Orion Casareo. August 19, pa ikinasal sa huwes ang dalawang two years na palang engaged at ‘di lang maamin dahil inutusan siya.
Nadoble pa ang saya ni Angelika dahil last Thursday, October 9, nalaman nitong three months pregnant na siya. Too early pa para malaman ang gender nang ipinagbubuntis ng actress, basta masayang-masaya siya na magiging ina na siya. Ang kanyang pagbubuntis at nabuking na pagpapakasal ang big news sa Showbiz Central kahapon.
Samantala, mamaya na ang premiere ng Lalola at kung saan, ginagampanan ni Angelika ang role ni Sabrina, ex-girlfriend ni Facundo (JC de Vera) at gagawin ang lahat para mabawi ang binata. Bida-kontrabida siya rito, gaya ng role niya sa Una Kang Naging Akin as Vanessa na kaagaw ni Jessa kay Nick (Wendell Ramos).
Itong mga klaseng role ang gusto niyang gampanan ngayon dahil madaling mag-marka sa viewers.
* * *
Kahit walang big celebrity foreign guests sa 10th Cinemanila International Film Festival, mag-i-enjoy pa rin ang moviegoers dahil 100 movies from 35 countries ang kanilang mapapanood from October 16-29 sa Gateway Cineplex sa Araneta Center.
Hindi pa kumpirmado si Oliver Stone at nag-beg off si Spike Lee dahil nangangampanya kay Obama. Darating ang Fil-Am actor na si Kenneth Moreleda na kasama ni Cesar Montano sa The Great Raid, Australian director Michael James Rowland at isang juror from Cannes International Film Festival.
Opening movie ang Sparrow from Hongkong at closing movie ang Bayan Ko: Kapit sa Patalim ni Lino Brocka. Sa Malacañang Palace ang awards night at ‘dun malalaman kung sino ang awardee ng Lino Brocka Award sa Digital Lokal competition at kung alin sa nine short films ang mananalo ng Ishmael Bernal Prize.
* * *
Inimbita na naman ni Martin Nievera sina Pops Fernandez at Jomari Yllana na mag-spend ng Christmas sa Las Vegas kasama sila ni Katrina Ojeda. Pero, nang makausap namin ang actor turned TV host sa Philippines’ Scariest Challenge ng TV5, malabong mapagbigyan niya ang offer ng ex-husband ng girlfriend niya dahil hindi pa raw nare-renew ang kanyang visa at sa tingin namin, wala siyang balak ipaayos ang visa.
“Lagi ko namang tinatanggap ang offer niya, ang problema ang visa ko talaga. Saka, aalis kami ni Andrei (his son with Aiko Melendez) after Christmas, dadalhin ko siya sa Hong Kong Disneyland,” ang kapani-paniwalang alibi ni Jomari.
Ang Philippines’ Scariest Challenge lang ang TV show ni Jomari ngayon, kaya may time siya sa marami niyang negosyo na kinabibilangan ng Rapide Car Shop, ang Clark International Speedway at ang bubuksang race track sa Clark din.
Ibinalita rin ni Jomari na kasama si Andrei sa ilo-launch na Bench Brats na mga anak ng artista ang kasama. Sina Juliana Gomez (anak nina Lucy Torres-Gomez at Richard Gomez) at Yuan Estrada (anak nina Janice de Belen at John Estrada) lang ang kanyang binanggit.
* * *
Huling Lunes na ng Dyesebel at mahihirapan si Dyesebel (Marian Rivera) na mamili kina Fredo (Dingdong Dantes) at ang Sirenea. Dagdag na problema na hawak ni Dyangga (Mylene Dizon) si Fredo at pakakawalan lang ‘pag iniwan niya ang Sirenea. Bababa sa Sirenea si Guada (Nanette Inventor) upang alamin ang nangyayari kay Fredo.
- Latest