Richard Gomez at Mylene nag-lips to lips

Invited ako sa presscon ng Gagambino. Pupunta ako dahil dalawang alaga ko ang kasama sa cast.

May mga nalilito sa Gagambino at Gagamboy. For your information, magkaiba ang kuwento ng Gagambino at Gagamboy. Si Dennis Trillo ang Gagambino at si Vhong Navarro ang super hero na si Ga­gamboy. ‘Yun lang!

* * *

Last woman standing sa Celebrity Duets si Carlene Aguilar. Siya na lang ang nag-iisang babae sa contest at sina Joey Marquez at MMDA Secretary Bayani Fernando ang kanyang mga mahigpit na kala­ban.

Bilib ako kay Carlene dahil marami ang bumoboto sa kanya. May duda nga ako na ibinoboto niya ang sarili at nauubos sa pagbili ng load ang kanyang talent fee sa Celebrity Duets.

Desidido si Carlene na manalo sa Celebrity Duets. Need niya ang isang milyong piso na premyo. Marami siyang mabibili sa cash prize na ibibigay ng Celebrity Duets sa winner.

* * *

Halik sa lips ang ginawa nina Richard Gomez at Mylene Dizon sa SOP kahapon. Hindi naman siguro nagselos si Lucy Torres dahil alam nating lahat na buntis si Mylene at si Paolo Paraiso ang ama ng bagets.

Naglaro kahapon ng Family Feud sa SOP ang SOP Boys at ang female cast ng Dyesebel.

Nag-request ng kiss si Mylene kay Richard at swak na swak ang lips nila. Sa totoo lang, hinahalikan ni Richard ang lahat ng mga female contestant sa Family Feud kaya walang malisya ang kissing scene nila ni Mylene. Wala raw malisya o!

* * *

Daring ang red gown na suot ni Lovi Poe sa SOP nang i-promote niya ang kanyang concert.

Halos mag-hello ang boobs ni Lovi na nagiging dar­ing na ang image. Seksing-seksi si Lovi. Ewan ko lang kung aprubado kay Jolo Revilla ang pagpapakita niya ng cleavage!

I’m sure, sobrang kaseksihan pa ang ipakikita ni Lovi sa kanyang major concert sa October 16 sa Music Museum.

* * *

Nakakaloka ang readers ng PSN. Kahit hindi ako nagbigay ng clue, kanya-kanya sila ng hula sa pangalan ng mga pulitiko na type si Pauleen Luna.

Hindi ko babanggitin ang mga name na sinabi nila. Hindi ko rin sasabihin kung tama ang kanilang mga hula. Masyado silang mga powerful. Baka hindi ko kayanin ang powers nila.

Pahinga muna ang puso ni Pauleen. Ayaw muna niyang makipagrelasyon, kesehodang fully-recovered na siya sa break-up nila ni Mayor Sherwin Gatchalian. Career muna ang kanyang priority.

Show comments