Aga nag-donate ng icon ni St. Arnold Janssen

Ngayong araw ang blessing ng icon ni St. Arnold Janssen sa Cainta - sa St. Arnold Janssen Shrine. Ang nasabing icon ni St. Arnold Janssen ay donasyon ng pamilya ni Aga Muhlach. Binili pa sa Rome ang nasabing icon.

Sasabayan ng misa ang blessing.

Ayaw sabihin ni Ms. Ethel Ramos, manager ni Aga ang halaga ng icon. Basta nagbigay lang daw ng tseke si Aga at hindi nila tiningnan.

Sana lahat ng artista ay katulad ni Aga na kahit abala sa rami ng trabaho, hindi nalilimutan ang respon­sibilidad sa Diyos. Bukod dun, panay ang pasasalamat nina Aga at Charlene sa mga blessings nilang mag-anak. Kuwento nga noon ni Aga, sa tuwing magsisimba siya at magdadasal, pawang pasasalamat na lang ang ibinubulong niya sa Diyos at panalangin para sa ibang tao.  

Actually, ito ang nalilimutan ng marami nating artista. Pag andiyan na sila at nakatikim na ng kasikatan, pakiramdam nila, sila na ang Diyos. Datung na ang sinasamba at wala na silang pakialam sa responsibilidad sa nasa Itaas.

Hindi man lang sila magpasalamat sa mga biyaya. Palagay ko nga kahit pagdarasal, nalilimutan nila.

Sana nga, maraming katulad nina Aga at Charlene sa showbiz.

Priority ang responsibilidad sa Diyos at walang masamang iniisip sa kapwa.

* * *

Naku ang daming nag-aapelang fans ni Kristine Hermosa. Panay ang litanya nila kung bakit walang trabaho ang kanilang idolo. Naiinip na raw sila dahil ang tagal nang natapos ang Prinsesa ng Banyera at hanggang ngayon ay wala pa rin silang naririnig na kasiguruhan kung anong susunod na proyekto ng kanilang idolo.

Sana naman daw, pagtuunan ng pansin ng management ng ABS-CBN ang kanilang apela.

Sa rami ng apela nila, kaloka halos mapuno na ang inbox namin sa kanilang mga sulat.

Pero fans wait lang kayo, ang alam ko, base sa kuwento ni Jericho Rosales, pagsasamahin sila sa isang teleserye. Kaya fans, hintay lang kayo ng konting oras. Baka naman suspense pa kaya ‘wag na muna kayong mag-panic. Hinay-hinay lang kayo.

Ang mga fans kasi ngayon, sosyal na. Dinadaan na lang nila sa e-mail ang kanilang mga apela.

Show comments