Gabby Concepcion must be enjoying this ‘‘period of immunity’’ na kung kailan mas dapat pinag-uusapan ang kaso nila ni Mommy Rose Flaminiano ay nakatuon tuloy sa bangayan nina Cristy Fermin at Nadia Montenegro.
Sumobra pa sa kampihan ang nangyayari on either side dahil umabot na ito sa level ng personalan.
And if there’s one person who stands to gain from all this, si Gabby ’yon na sa pagkakataong ito sits as an audience who watches an even more spectacular entertainment. Tiyak na ikinatutuwa ng aktor na pansamantalang nalihis ang isyu sa kanila ni Mommy Rose.
Fact of life is kaibigan mo ngayon, kairapan mo bukas. And the vicious parties goes on and on.
* * *
Pinakamasuwerte na yatang masasabi sa hanay ng GMA Artist Center si Rhian Ramos. Dalawang pakete bilang pa-birthday sa kanya ng GMA landed on her lap. Ang kanyang 18th oh-so-lavish party at the Rigodon Ballroom of the Manila Pen at ang kanyang LaLola teleserye.
Hindi man kainggitan si Rhian ng mga kapwa niyang GMA artists, one thing remains pretty sure: Lalo pang dadagsa ang mga hate e-mails sa kanya, na sa pakiwari ng debutante ay nagmumula sa iisang tao lang naman. What’s more, duda ni Rhian ay nasa showbiz circle rin ito.
But Rhian doesn’t allow this cheap kitschy handiwork affect her work. ’Pag nakikita na raw niya even ’yung mga headings ng mga e-mails sa kanya ay agad na niyang binubura ang mga ito.
‘‘Of all the talents that the people say I’m not capable of, I admit that I really can’t dance. I mean, ’yung dance na talagang grabe ’yung mga steps, ha! That I can’t do. Pero sana naman, bigyan nila ako ng chance,’’ pakiusap ni Rhian.