Showing na sa October 29 ang My Only U nina Vhong Navarro at Toni Gonzaga under Star Cinema, pero nangangalahati pa lang sila ng shooting ng pelikula. Kaya ang drama nila, walang tulugan (pahiram Kuya Germs). Ngaragan sila dahil hindi lang naman shooting ang pinagkakaabalahan ng dalawa. Si Vhong, pupunta pa ng Japan para sa isang show, habang si Toni lilipad papuntang Guam para sa kanilang ASAP. Kaya ‘wag kayong magtataka kung mas nabawasan pa ang kanilang mga timbang.
Kaya nga noong presscon para sa My Only U, madalian din. Hindi sila puwedeng magtagal dahil may kanya-kanya pa silang taping.
Kung sabagay, ganito rin naman ang nangyari sa pelikulang iba ng Star Cinema. ‘Yung movie nila KC Concepcion at Richard Gutierrez, may ngaragan factor din na naging obvious sa screen nung ipalabas.
Kahit ‘yung A Very Special Love nina Sarah Geronino at John Lloyd Cruz, ilang araw na lang palabas na, hindi pa rin sila natatapos ng shooting. Iisa ang direktor ng A Very Special Love at My Only U, si Direk Cathy Molina.
Kahit nga raw ‘yung kila Aga Muhlach at Anne Curtis, When Love Begins, Wednesday na ang showing, Friday na, nagso-shooting pa sila sa Boracay pa.
But anyway, kahit ngaragan man ang trabaho nila, lahat naman kumikita ang mga nabanggit na pelikula kaya nasusulit naman ang mga araw at gabi nilang walang pahinga.
Going back to My Only U, kahit madalian ang presscon ng dalawa the other night, naurirat pa rin si Vhong tungkol sa annulment nila. Pero wala pa rin siyang gaanong sinasabi. Ganun pa rin. Hindi siya puwedeng masyadong magsalita dahil wala pa silang hawak na dokumento sa nasabing desisyon ng korte. Kaya kahit ang tungkol sa kanila ni Desiree del Valle, ay bilang na bilang ang sinasabi niya.
Ilang buwan na rin ang nakakaraan nang katigan ng korte ang annulment na ipinile ni Vhong sa kasal nila ni Bianca Lapus. Pero hanggang ngayon, hindi pa nila hawak ang desisyon.
* * *
Belated happy birthday sa katoto at kaibigang si Allan Diones. Cheers mareh...