^

PSN Showbiz

Car racer kaagaw ni Sam kay Anne Curtis

- Veronica R. Samio -

Taliwas sa inaasahan ng marami, hindi dis­appointed si Arnell Ignacio na magtatapos na sa GMA7 ang kanyang reality game show na Go­bingo.

“ Talaga namang hang­gang two seasons lang ito na tulad ng ma­raming shows. Ano na­man ang ikalulung­kot ko, naging mata­gum­­pay naman ito. Magka­karo’n din ng ka­pare­hong game show ang ka­bi­lang is­tas­yon, isang pa­tunay na naging popular ito. Kung hindi, ba’t nila susundan?

“Hindi naman ako mababakante, I have other things to do.Regular naman ako sa SOP, meron kaming radio program sa DZBB ni Susan Enri­quez. Hindi ito showbiz-oriented but I think effec­tive ako sa mga non-showbiz things. Hindi ko kayang mag-negative sa mga kapwa ko taga-show­biz. Dito pag-uu­sapan namin ni Susan ang mga current events, tulad ng isyu sa mela­mine. Hindi ko man ka­yang makipag-away sa mga go­vern­ment agen­cies, at least makapagbi­bigay ako ng sarili kong opinyon, masasabi ko ang mga sarili kong reklamo. Kahit papaano magiging influential ako, kami.

“Masaya ako dahil naging napaka-positive ng naging effect ng Gobingo sa tao. Hindi man kami nagbibigay ng milyon araw- araw, at least marami kaming natutulungan, araw-araw may umuuwing may pera sa bulsa,” mahabang kwento ng magaling na host.

* * *

Dapat siguro mabahala si Sam Milby dahil isang batam-batang car racer ang smitten sa charm ni Anne Curtis. Ito ay si Tyson Sy, ang youngest world car racer champion na champion din sa pagtulong sa kanyang mga ka­ba­bayan sa Valenzuela, Bulacan. Siya rin ang itinuturing na Highest Paid Filipino sa larangan ng karera ng kotse since the late Arsenio Dodjie Laurel.

Simula nang tumigil siya pansamantala sa pangangarera dahilan sa isang aksidente ay ginugugol niya ang pa­nahon niya sa pag-iikot sa mga barangay at elementry schools para sa feeding and nu­tri­tion program ng mga bata. Nagtatag din siya ng mga sports events para mailayo sa droga at pag­su­sugal ang mga kabataan. Sa tulong ng kanyang mga sponsors sa car racing at sa pa­mamagitan ng kanyang mga prize money from racing cars, naka­pag­ta­tag siya ng Tyson Sy Foundation.

* * *

Masayang-masaya ngayon si Lance Ray­mundo dahil kasama siya sa latest project ng ABS-CBN, ang remake ng dating pelikula ni Ace Vergel na Pieta. Ang obra-maestra ni Carlo J. Caparas na unang lumabas sa ko­miks at naging pelikula noong dekada 80. This time, ang gaganap sa role na Rigor na dating pinag­bi­da­han ni Ace ay si Ryan Agoncillo at kay Cherie Gil naman napunta ang dating role ni Charito Solis bilang Amanda.

Habang sinusulat ang article na ito ay wala pang confirmation kung sino ang final na gaganap sa dating role ni Vivian Velez.

Nag-audition si Lance for the part and mapalad namang napili bilang Turko, ang kalaban ni Rigor. Mismong si direk Toto Natividad ang naroon nang mag-audition siya. Malayo sa tunay niyang buhay ang kanyang role, pero wala siyang kiyeme sa mga fight scenes at enjoy siya sa taping. Kam­pante rin siya kasi matagal na silang magkaibigan ni Ryan dahil magka­ka­sama sila sa Levi’s as image models noong mga teenagers pa sila.

ACE VERGEL

ANNE CURTIS

ARNELL IGNACIO

ARSENIO DODJIE LAUREL

CARLO J

CHARITO SOLIS

CHERIE GIL

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with