Janina buntis!?

Magbabakasyon grande si Alfred Vargas pagkatapos ng shooting niya sa Viva Films. Bakasyon grande dahil sa Italy at hindi ang farm niya sa Bulacan ang kanyang pupuntahan.

Excited na si Alfred na magbakasyon dahil wala siyang pahinga. May taping si Alfred sa Dyesebel at sa Una Kang Naging Akin.

Pinayagan ko si Alfred na magliwaliw sa ibang bansa pero may kapalit, hindi niya dapat kalimutan ang kanyang pasalubong para sa akin!

* * *

Hindi ko type ang hairdo ni Regine Velasquez sa SOP. Ang hairdo ni Regine ang napansin ko nang panoorin ko kahapon ang SOP. Mas type ko pa ang hairdo ng kanyang boyfriend na si Ogie Alcasid. 

Masyado akong partikular sa buhok kaya isipin ninyo ang trauma ng aking mga alaga kapag hindi ko type ang kanilang mga hairstyle. Kinukulit ko sila na magpagupit hanggang wala na silang choice kundi sundin ang gusto ko.

Hindi ko rin pinalampas ang hairstyle ni Gabby Concepcion nang magkita kami sa burol ng tatay niya, itsurang hindi ko na siya alaga.

Hindi bagay kay Gabby ang may bangs at mukhang pinakinggan niya ang suggestion ko dahil iba na ang ayos ng kanyang buhok nang mapanood ko sa TV ang libing ni Daddy Rollie.

* * *

May naninira sa Survivor Philippines. Ikinakalat nila na si ganito at si ganireng castaway ang tinanghal na Sole Pinoy Survivor.

Wa epek ang paninira dahil kahit ang mga nati­rang castaway, hindi alam kung sino sa kanila ang nag-win. Malalaman lang nila ang winner sa pagta­ta­pos ng show at matagal pa ito.

Palpak ang mga naninira sa Survivor Philippines. Da­hil sa ginawa nila, lalong naging kontrobersyal at nadagdagan ang mga nanonood sa show ni Paolo Bediones.

* * *

Hindi ako naniniwala sa tsismis na buntis si Janina San Miguel kaya isinoli niya ang kanyang Bb. Pilipinas-World crown.

Mas kapani-paniwala na nahihirapan si Janina sa mga training  at preparation kaya sumuko siya.

Nakita n’yo naman ang pagsagot ni Janina noong sumali ito sa Bb. Pilipinas contest. Hindi pa siya talaga ready sa malaking responsibilidad ng isang beauty queen.

* * *

Gusto kong maging happy ang PSN reader na si Josiah Ilanan kaya ipa-publish ko ang e-mail na ipinadala niya sa akin :

I’m  Josiah Ilanan, a Mass Comm. student in ICCT Colleges. Alam n’yo po, isa po kayo sa dahilan kaya Mass Comm. ang course na kinuha ko. Avid viewer po ako ng Startalk, at kung papalarin, kapag nag- graduate ako, gusto ko po sanang mapabilang sa inyong no.1 talkshow. Di po bola ‘yan at walang halong biro.

Every morning, lagi po akong nagbabasa ng newspaper especially, ang  column ninyo. I hope someday, ma-meet ko kayo  in person. By the way, may tour po kami this coming October 15 sa GMA 7 kaya lang, doon lang po sa newsroom at sa iba po.

Sana po, makapag-tour din po kami minsan sa set  ng Startalk. 

Show comments