Sa bibig mismo ng kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex nagmula na magkaibang-magkaiba sila ng kanyang kapatid. Si Toni raw ay napakabait na anak. Anumang sabihin ng kanilang mga magulang ay sinusunod nito. Hindi naman daw siya rebelde pero kapag tama siya ay ipinaglalaban niya, kahit na sa kanyang mga parents.
Excited siya dahil love interest siya ni John Prats sa bagong serye ng ABS CBN, ang Tiny Tony. Kasama rin siya sa Your Song Presents: My Only Hope na dalawang season o anim na buwan mapapanood. Yung mga naunang palabas ng Your Song ay tumagal lamang ng isang buwan pero itong pagtatambalang muli nina Kim Chiu at Gerald Anderson ay anim na buwan eere. Dito naman ay kapareha niya si Xian Lim.
Apat ang regular show ni Alex. Meron siya sa Dos at meron din sa TV5. Pero, ayaw niyang amining mas abala siya kesa sa kanyang kapatid. At mas talented.
“Mas daring lang ako sa kanya,” aniya pero ayaw na niyang mag-elaborate pa.
* * *
Napag-uusapan na rin lamang ang Your Song Presents: My Only Hope, maninibago ang mga Kimeralds dito dahil marumi at may pagka-bad boy ang magiging image rito ng aktor. Mahaba ang buhok niya at balbasin, bagay sa ginagampanan niyang teener na mas gusto pang mamatay kesa mabuhay. Madalas ding itim ang suot niya.
Para sa kanya ang role. At gumawa pa ng research si Gerald. Kinailangan niyang maging knowledgeable sa rock music kaya nag-download siya ng mga ganitong uri ng musika at nanood ng mga pelikula ni Johnny Depp. Epektibo naman dahil talagang iba ang naging projection niya sa serye. May mga pagkakataon pa nga na maski na ang ka-loveteam niya ay nakadama ng kakaibang pakiramdam kapag magkaeksena sila.
“Iba kasi ang itsura niya. Pero, sa katagalan, nakasanayan ko na rin ang itsura niya,” ani Kim.
Kasama ng dalawa ang mga nakasama rin nila sa My Girl, tulad nina Niña Jose, Enchong Dee, Regine Angeles, Carlo Guevarra pero tulad ni Gerald, ibang-iba ang mga roles ang ina-assign sa kanila.
* * *
Bilib naman ako kay Arnell Ignacio. Sa halip na malungkot ito dahil magwawakas na ang Gobingo, mas nananaig ang pasasalamat dahil nagkaroon siya ng show at mayroon namang napatunayan sa pagiging host niya.
“Anim na buwan din kaming umere. At kahit miminsan lang may nanalo ng mahigit sa isang milyon, araw-araw naman ay mayroong nakapag-uuwi ng pera, hindi man milyon pero malaking halaga na rin kung tutuusin at tulong sa nananalo,” aniya.
Yes, isang homeviewer na empleydo sa Makati City Hall ang nag-iisang milyonaryo ng Gobingo. Meron pang isang mamahaling kotse ang naghihintay na maiuuwi ng isang winner.
Saw Antoinette Taus sa taping ng Gobingo at kahit di siya naging milyonarya, umabot naman siya sa finals.
Maganda pa rin si Toni but why do I get the feeling na may lungkot sa kanyang mga mata? I heard na nakumbinse siya ng Showbiz Central na buksan ang kanyang puso sa publiko. May malalaman kaya tayo tungkol sa naging relasyon nila ni Dingdong Dantes?
Si Sunshine Dizon, magsasalita na rin daw tungkol sa tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan. Ito ang dapat nating abangan ngayong hapon sa Showbiz Central.