Napabilib ang audience
Si MMDA Chairman Bayani “BF” Fernando, na kilala na ngayong “BF ng Bayan” dahil sa pangunguna nito sa Celebrity Duets 2 ng GMA 7, ay napabilib ang audience ng nakaraang concert ni Petula Clark sa Manila Hotel nang mag-guest ito.
Don’t Let the Stars Get in Your Eyes ang kinanta ni BF sa concert at nagkaroon ng mga production numbers kasama sina Petula mismo at Sec. Joey Lina at Sec. Angelo Reyes sa Smile at Let It Be Me. Ang tatlong tenor ay kumanta ng Volare at Amor, Amor.
Sabi ni chairman, nakakatulong daw ang one-hour singing contest para lumakas ang loob niya at maalis ang stage fright. “I am very shy, unknown to many people,” sabi nito at ngayon daw ay nalalabanan na niya.
Hinuhulaan na ng marami na si BF na ang magwawagi sa Celebrity Duets dahil palagi siyang nagta-top sa mga botohan sa text. Naiwang mga kalaban niya ay sina Joey Marquez, Phil Younghusband, Carlene Aguilar, JC Buendia at JL Cang. Pero ayon kay BF parang hindi sila magkakalaban, “Close na kaming lahat. Sana nga wala nang matanggal kahit isa amin para magkakasama pa rin kami ’til the end of the contest.”
Kapag nanalo si BF sa Celebrity Duets, ang Child Haus na para sa mga batang may kanser ang makikinabang.
- Latest