Angelica kinamumuhian!

Marami ang halos nagpapakamatay para lamang mapabilang sa matagumpay na grupo ng Sexbomb dancers. Marami ring pinagdaanan si Kristel Moreno bago siya napabilang sa grupo pero hindi ito naging balakid nang magpasya siyang iwan ang grupo para mag-artista at subukan ang kanyang kapalaran sa kabilang istasyon, sa ABS-CBN na kung saan ay inilunsad siya kamakailan lamang bilang isang Star Magic artist. Ngayon ay kasama na siya sa I Love Betty La Fea bilang isa sa mga minamahal na receptionist ng Eco Moda.

Bagama’t nami-miss ni Kristel ang kanyang mga dating kagrupo, mas nananaig ang excitement sa kanyang bagong role. Bukod sa Betty La Fea, mayroon siyang isa pang regular show sa TV5.

Labimpitong taong gulang si Kristel. Naka-enrol siya sa open university ng UP at nakatakdang kumuha ng film­making.

* * *

Walang hindi magsasabi na masasapawan (kung hindi pa niya nasasapawan) ni Angelica Panganiban ang mga kinikilalang pinakamagagaling na character actress sa TV ngayon, Jean Garcia, Eula Valdez, Katrina Halili, Cherry Pie Picache at ang sinusun­dan nila ng yapak na si Cherie Gil, sa pagganap niya bilang Scarlett, ang kontrabida ni Catherine (Claudine Barretto) sa Iisa Pa Lamang.

Napakagaling ni Angelica sa kanyang role at kung dati ay nagi-exert pa siya ng effort para makaagapay sa kanyang mga magagaling at beteranong co-stars, lalo na kay Cherry Pie na siyang orihinal na nagpa­pahirap kay Catherine, ngayon parang nakaungos na siya without really trying.

Ang nakakatakot lang, baka sa galing na ipinama­ma­las niya ay ma-typecast siyang kontrabida. Ben­tahe niya ang kanyang kabataan at ang pagiging maganda.

Show comments