Panghihinayang ang na-feel ko para kay Janina San Miguel dahil nagbitiw nga siya bilang Bb. Pilipinas-World title-holder.
Hindi ako nanghinayang dahil na-Luz Valdez ang tsansa niya na sumali sa Miss World Contest.
Nanghinayang ako dahil pagkakataon na sana niya na makapunta ng libre sa South Africa.
Chance na sana ni Janina na makarating sa isa sa mga mamahaling lugar sa buong mundo.
Marami ang nangangarap na makarating sa South Africa kaya sayang talaga ang oportunidad na pinakawalan ni Janina.
Pero kung sakaling matalo sa Miss World contest ang ipinalit kay Janina, puwedeng isipin ng mga tao na baka si Janina pa ang nag-win kung natuloy ang pag-join nito sa beauty pageant. ‘Yon lang ang consuelo de bobo na puwedeng ibigay kay Janina na imposibleng hindi nalungkot at na-disappoint sa nangyari sa kanyang career bilang beauty queen.
* * *
Congrats sa staff ng Startalk dahil bongga ang rating ng aming show noong Sabado. Talagang inabangan ng mga televiewers ang live guesting ni Nadia Montenegro dahil noon lang siya nagsalita pagkatapos ng pitong buwan nang pananahimik.
Tatlong beses na umapir sa mga showbiz talk shows si Nadia. Nag-promise siya na hindi na magsasalita dahil napagbigyan na niya ang request ng Startalk, The Buzz at Showbiz Central.
Bago ko makalimutan, nag-promise ako sa mga kapatid ni Gabby Concepcion na sina Rina at Sandy na babanggitin ko rito sa aking column ang pagkasarap-sarap na Sandy’s Pizza na favorite ni KC Concepcion.
Natikman ko ang Sandy’s Pizza sa burol ni Daddy Rollie at totoo ang tsismis. Masarap ang pizza na personal na ginagawa ni Sandy dahil ayaw nitong i-share ang secret ingredients kaya kakaiba ang lasa ng kanyang produkto.
Isa pa lang ang branch ng Sandy’s Pizza sa 683 J. Abad Santos St., San Juan. Malapit ito sa Xavier School at Immaculate Concepcion Academy.
Sa tindi ng sarap ng Sandy’s Pizza, hindi ako magtataka kung madagdagan ang branch nito. May home delivery din ang Sandy’s Pizza. Call n’yo ang kanyang tindahan sa telephone numbers 467-5404, 721-8334, 721-8329 at 583-2296.
Siguraduhin n’yo lang na bibili kayo at hindi makikipag-phone pal. Busy ang staff ni Sandy dahil hindi sila nawawalan ng order ‘no!
* * *
Congrats sa staff ng Startalk dahil bongga ang rating ng aming show noong Sabado. Talagang inabangan ng mga televiewers ang live guest Marami ang nagre-request sa GMA 7 na i-replay nila ang Newsmakers, ang TV special ng News and Current Affairs na ipinalabas noong Linggo.
Na-miss daw nila ang magandang TV special dahil late na ito nang mag-umpisa. Hindi na raw nila nahintay ang Newsmakers dahil may mga pasok pa sila sa mga opisina, kinabukasan.
Kung hindi man daw magkaroon ng replay ang Newsmakers, hinihiling ng viewers na maglabas ang GMA 7 ng DVD copy ng TV special. Why not? Positive ang mga reviews sa Newsmakers.
* * *
Congrats sa staff ng Startalk dahil bongga ang rating ng aming show noong Sabado. Talagang inabangan ng mga televiewers ang live guest Nainterbyu na pala si Ara Mina tungkol sa isyu na tinabig niya si Marian Rivera sa production number nila sa SOP noong Linggo.
Idinenay ni Ara ang balita pero hindi ito umabot sa airing. Hindi ako naniniwala na capable si Ara na manghawi o mangtabig ng kapwa dahil hindi siya bayolenteng tao. Wala sa kanyang karakter ang nananakit. Umiiyak na nga lang siya kapag nadadamay siya sa mga isyu na walang katotohanan.