Joyce nagka-neck brace at tahi sa katawan matapos maaksidente
Labas na ang October issue ng FHM with Jean Garcia on the cover na nasisilip ang boobs at naka-panty lang, hindi bastusin ang labas. In fact, ang ganda-ganda ng actress sa mga litrato at curious kami kung ilang copies ang bibilhin ni Polo Ravales.
Kahit si Emilio Garcia na kapareha ni Jean sa digi film na Walang Kawala ay humanga kay Jean, wala raw itong kupas at nagpapirma rin ng copy niya ng men’s magazine. Hindi mukhang 38 years old at may dalawang anak ang actress.
Two years inawitan si Jean na mag-cover sa magasin at five days after pumayag, na-schedule ang pictorial niya at baka magbago ng isip. Kinausap siya ng manager niyang si direk Manny Valera na ngayon na gawin kung lalabas siya sa FHM at baka magsisi siya. May radio tour siya to promote the magazine on October 8 at autograph-signing sa Robinson’s Galleria sa October 9.
Showing sa November 12, ang Walang Kawala sa direksyon ni Joel Lamangan. May screening ito sa UP Film Center sa November 6. Gaganap si Jean na battered wife ng bisexual cop na si Emilio.
* * *
Wala nang dapat ipag-alala ang husband at family sa States ni Joyce Jimenez dahil okey na ang lagay nito after ng car accident na kinasangkutan bandang 3-4 a.m. kahapon. Galing sa taping ng Philippine Scariest Challenge ng TV5 sa Urdaneta, Pangasinan ang actress nang maaksidente.
Iniwasan ng driver nina Joyce ang kasalubong na truck, nag-swerve sa palayan at nagpaikut-ikot ang sasakyan nila bago bumangga sa puno. Kasama ni Joyce ang road manager alalay at pare-pareho silang isinugod sa Sacred Heart Hospital sa Urdaneta, Pangasinan.
Inilipat sa The Medical City sina Joyce at ang road manager na si Donboy. Sa Operating Room dinala si Joyce at doon ginamot ang sugat. Nilagyan din ang leeg nito ng brace at may stitches sa katawan. Sa Emergency Room naman dinala ang road manager at may mga tests na ginawa bago pauwiin. Malaki ang damage ng SUV na sinakyan nila.
Wala pa naman dito ang manager ni Joyce na si Shirley Kuan at sumunod kina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa Vienna, Austria para sa premiere ng For the First Time, tiyak na mapapaaga ang uwi ni Shirley sa nangyari sa actress.
* * *
Sinamahan ng inang si Eileen Macapagal si Jocas de Leon sa presscon ng Q-11 sa hosts ng kanilang mga show. Isa ang dalaga sa dalawang roving style correspondents ng Fashionistas By Heart, hosted by Heart Evangelista na magpa-pilot sometime in November.
Nag-audition for the job si Jocas at ’di ginamit ang influence ng amang si Joey de Leon, kaya tuwang-tuwa nang makapasa. She joins Q-11’s list of hosts na puro Inglesera, pero si Jocas nagta-Tagalog kahit six years sa New York at graduate sa Fordham University.
- Latest