Basahin n'yo ito Mommy Rose at Nadia: 'Mukha akong manika, hindi mantika!'

Hindi puwedeng i-link si Sarah Geronimo kay Howie D. ng Back Streetboys dahil may dyowa na ang American singer.

Kasama ni Howie D. ang kanyang misis sa ilang araw na pananatili niya sa ating bayang magiliw.

At kahit binata si Howie D., hindi bagay na i-link siya kay Sarah dahil parang mag-uncle sila nang mapanood ko sa TV ang kanilang duet. Hindi ko sinisiraan si Howie ha? Sinasabi ko lang ang totoo dahil bagets na bagets ang face ni Sarah.

Narinig ko ang balita na bilib na bilib si Howie sa popularity ni Sarah. Naloka raw ang Afam nang ma-witness niya ang pagkakagulo kay Sarah ng madlang-people. Hindi dapat magtaka si Howie dahil superstar nga si Sarah ‘noh!

Aaminin ko, hindi ko kilala si Howie D. Nakilala ko lang siya dahil nag-duet sila ni Sarah. Isang Howie lang ang kilala ko, si Howie Severino.

* * *

Buy n’yo ang bagong album ni Sarah kung type ninyo na mapakinggan ang duet nila ni Howie.

Binigyan ako ni Sarah ng kopya ng kanyang bagong CD album kaya knows ko na included sa album ang kanta nila ni Howie.

Dalawa at hindi lang isa ang naharbat ko na CD album ni Sarah dahil paborito rin siya ng pamangkin ko.

* * *

Naging katatawanan na ang mantika statement ni Mommy Rose Flaminiano tungkol kay Nadia Montenegro.

Ayokong masyadong palakihin ang mantika issue dahil may mantika rin ako sa katawan pero in fairness to me, may shape ang katawan ko ha?

Tumaba na lang ako dahil wala akong kontrol sa pagkain. Kung nakita ninyo ang katawan ko noong araw, hindi ninyo iisipin na pamamahayan ako ng mantika. Mukha akong manika, hindi mantika kaya nga napagkamalan ako na pokpok noong araw noh!

Police reporter pa ako noon. Sumama ako sa raid ng mga pulis sa isang casa ng mga pokpok sa Sta. Cruz. Ang ending, hinuli rin ako, dinala sa mobile car dahil napagkamalan akong pokpok!

* * *

Tawa ako nang tawa nang mapanood ko ang guesting ni Mother Lily sa Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central noong Linggo.

Natawa ako dahil lumabas ang pagiging karakter ni Mother na tawa rin nang tawa. Knowing her, sinadya niya na gawing mali ang kanyang mga sagot para mapagod si John Lapus sa pagsasayaw.

Nagtagumpay si Mother Lily sa kanyang misyon dahil dance-to-the-max si John. Kilalang-kilala ko si Mother dahil matagal na ang aming friendship. Alam na alam ko kung alin ang lies at truths sa mga isinagot niya sa mga tanong ni John. Mother, you cannot lie to me!

* * *

Hayaan na natin sina Jolo Revilla at Lovi Poe kung saan sila maligaya. Tantanan na ang pang-iintriga sa kanila dahil mukhang love nila ang isa’t isa.

Sa totoo lang, ang nanay ni Lovi ang hindi boto kay Jolo pero wala siyang magawa dahil ang anak niya ang sumasama sa anak nina Lani Mercado at Bong Revilla.

Mas mabuti pa na maging maluwag siya kay Lovi or else, baka lalong magrebelde ang kanyang anak.

Show comments