Kulam ni Juday nakakatakot

True ang sinabi ni Mr. Roy Iglesias, writer ng maraming pelikula ng Regal Films na kung tatang­galin ang bahagi ng Regal Films sa kasaysayan ng kumpan­ya ni Mother Lily Monteverde, ninipis ang kuwento tungkol dito.

Malaki ang naging bahagi ng Regal sa in­dus­triya ng pelikula na ngayon ay 48 years na palang nagpo-produce ng pelikula.

Kahapon ay binigyan si Mother Lily Monteverde ng tribute ng mga artistang naging bahagi ng kan­yang kumpanya sa SOP sa loob ng halos limang dekada. Bumati sa kanya ang maraming artista at ang iba naman ay sa VTR.

Maraming artista nga naman ang nag-umpisa sa Regal na ngayon ay humahataw pa rin ang career.

Nag-apir ng per­sonal si Juday dahil naudlot ang trip nila sa Amerika para sa pre­miere ng Ploning dahil nagkaroon daw ng problema sa producer doon na si Aida Arceo ayon sa mga narinig kong kuwento.

May special eye kasi talaga si Mother sa mga sisikat na artista.

Si Marian Rivera noon, paapir-apir lang sa mga supporting roles, pero look where she is now. Ang layo na nang narating niya.

Anyway, say ni Mo­ther, hang­ga’t may na­no­nood, ga­ga­wa siya ng pelikula.

Anyway, ang Mata­kot Ka Sa...Kulam starr­ing Judy Ann San­tos at Dennis Trillo ang anni­ver­sary pre­sen­tation ng Regal. Show­ing na ito sa Wed­nes­day. Sa trailer pa lang, sob­­rang naka­kata­kot na ang pelikula.

Actually, kilala ang Regal Films sa pag­ga­wa ng horror films tulad ng Shake, Rattle and Roll, Regal Shock­ers, As­wang, Impak­tita at mara­­mi pang iba. Kaya’t kaa­bang-abang ang ba­gong pelikulang kata­ta­kutan na gawa ng prem­­yadong manunulat na si Jun Lana na tata­lakay sa isang kababa­laghan sa kulturang Pilipi­no - ang Kulam.

“Maraming mga ba­gay sa ating kultura ang hindi natin maipaliwa­nag tulad ng kulam - ngu­nit susu­bukang ipa­intindi ng pelikula ang epekto ng kulam sa bu­hay ng isang tao,” sabi ni Direk Jun Lana.

Show comments