Boyfriend ni IwaA tadtad ng tattoo sa katawan

Seen : Si Iwa Moto at ang kanyang boyfriend na punum-puno ng tattoo sa katawan noong Sabado sa Shangri-la Mall. Mukhang pagod si Iwa.

Scene : Ang resbak ni Nadia Montenegro kay Rose Flaminiano. Tinawag ni Nadia na makapal ang mukha ng manager ni Gabby Concepcion. Palaban si Rose. Hindi niya palalampasin ang mga pagtataray sa kanya ni Nadia.

Seen : Ang malakas na tilian at palakpakan sa loob ng Araneta Coliseum nang lumabas sa stage si Piolo Pascual. Special guest si Piolo sa concert ni Ogie Alcasid sa Araneta Coliseum. Malakas pa rin ang hatak ni Piolo.

Seen : Si Chef JL Cang ng Celebrity Duets. Malungkot na malungkot si JL nang makita ito sa bakuran ng GMA 7 noong Sabado. Dinamdam niya ang pagkakatanggal sa Celebrity Duets.

Scene : Ang production number nina Jennica Garcia at Mart Escudero sa SOP kahapon. Torture ang panonood sa kanila. Hindi memoryado nina Jennica at Mart ang lyrics ng mga kinanta nila.

Seen : Ang pagtanggi ni Lotlot de Leon na magsalita tungkol sa tampuhan nila ni Nora Aunor. Ayaw nang palakihin ni Lotlot ang isyu. Nananaig ang respeto niya kay Nora.

Scene : Ang kaligayahan sa gitna ng pagluluksa. Nabahiran ng kasayahan ang kalungkutan ni Gabby Concepcion at ng kanyang pamilya nang makarating sa kanila noong Biyernes ang balita na hindi pinaboran ng korte ang TRO petition ni Rose Flaminiano.

Show comments