Gamot Sa Lifestyle Diseases Nadiskubre

May gamot na sa cancer na maaring matuklasan natin. Isang slimming, rejuvenation at wellness center na pinamumunuan ni Marissa del Mar, host ng sarili niyang programa sa IBC-13, ang Up Close and Personal, ang nakatakdang magbukas sa publiko sa Oktubre 2. Ito ang Fucoidan na matatagpuan sa Bayani Rd., Fort Bonifacio, Taguig City. Ito rin ang araw na pormal na ilulunsad sa Manila Hotel ang Fucoidan, isang kapsulang mula sa isang brown sea­weed na matatagpuan lamang sa Okinawa na kung saan ang buhay ng mga tao dun na gumagamit nito ay higit na mahaba at matagal kesa sa mga hindi.

Nakakagamot ito ng mga lifestyle diseases, nakaka­pag­­panatili ng kalusugan at nakakapagpa­ganda ng balat. Higit sa lahat, sa halos 20 taong pananaliksik at pag-aaral na ginawa tungkol dito, napatunayan na nakagagamot din ito ng lahat ng uri ng cancer, maging yung nasa ikaapat na stage na (sa pamamagitan ng in vitro)!

Ang Fucoidan ay ginagawa sa Japan at kinakailangang i-take mula six hanggang 12 capsules kada araw para sa mas magandang resulta.

Dahil sa maraming kabutihang dulot ng Fucoidan, medyo may kamahalan ito pero may garantiya naman na sa loob ng isang buwan ay mararamdaman at makikita na ng mga gagamit nito ang resulta.

Ang Fucoidan ay mabibili ng eksklusibo sa Fucoi­dan Slimming, Rejuvenation and Wellness Center simula sa Oktubre 2.

At dahil gusto niyang makatulong sa mga kapwa niya Pilipino, lalo na dun sa mga biktima ng the big C, hindi na ito patutubuan ng kumpanya ni Marissa at sa halip, babawi na lamang siya sa maramihang pagbili nito.

* * *

Isang karanasang hindi na makakalimutan ni Jake Cuenca at isang karangalan na kanyang iti-treasure ang pagkakataon na ipinagkaloob ng kanyang mother network, ang ABS-CBN na maka­pareha si Dawn Zulueta sa isang episode   ng Maalaala Mo Kaya noong Sabado ng gabi.

“Suwerte ko talaga, hindi ko na ito makakalimutan hanggang sa katapusan ng aking career.

“At para mapaghandaan ang aming pagsasama, nag-undergo ako ng workshop under direk Laurice Guillen. Nagpatubo rin ako ng bigote. At habang nagti-taping kami, hindi ako umaalis sa aking charac­ter hanggang sa mag-pack-up kami,” kuwento ni Jake.

* * *

Nung pictorial lamang ni Melanie Marquez para sa New Placenta ng Psalmstre ko narinig na hinding-hindi siya magpu-pose sa kahit na anong men’s magazine.

“Nakatanggap na ako dati ng ganitong offer sa isang kilalang American magazine, tatlong beses pa, pero tinanggihan ko. Taliwas ito sa aking religious belief na ang katawan ko ay dapat ang asawa ko lamang ang makakakita,” sabi ng Miss International.

Mas maganda at mahigpit ngayon ang samahan nina Melanie at ang may-ari ng Psalmstre, gumagawa ng New Placenta, Olive C at Glutamin, na si Jim Acosta.

“Hinding-hindi ko na papalitan si Melanie bilang endorser ng New Placenta,” diin ni G. Acosta.

“Kuntento na ako sa Psalmstre, mahusay silang makipag-usap,” sey naman ni Melanie na ikinagalit na naman ang muling pagkakagamit sa kanya ng isang kalabang produkto. Sinabi niyang ikokonsulta na naman niya ito sa kanyang abogado. 

Show comments