^

PSN Showbiz

Dalawang anak ni Gabby nagkakilala sa burol ng lolo

RATED A - Aster Amoyo -

Sa kabila nang malakas na tuloy-tuloy na buhos ng ulan, hindi napigilan ang pagdagsa ng mga bisita sa advance birthday party ni Sen. Bong Revilla na ginanap sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan City nung nakaraang Miyerkules ng gabi, September 24. Yesterday, September 25 ang tunay na kapa­nganakan ni Sen. Bong.  Bukod sa batang senador, aligaga rin ang kanyang misis na si Lani Mercado sa pag-iistima ng mga bisita.

Sa party ni Sen. Bong, sandali naming nakaku­wentuhan ang panganay ng mag-asawang Bong at Lani na si Bryan at agad namin itong kinumusta.  Hindi man gaanong abala ngayon si Bryan sa kanyang showbiz career, pag-aaral naman ang kan­yang inaatupag.  Third year college na siya ng Foreign Service sa St. Benilde College at nasa San Beda College naman ang kanyang nakababatang kapatid na si Jolo na kumukuha naman ng Marketing.

Biniro namin si Bryan na kahihiwalay lamang namin nang hapong ‘yon ng kanyang ex-girlfriend na si Maui Taylor na agad naman niyang kinumusta sa amin.  Inamin sa amin ni Bryan na loveless pa rin umano siya hanggang ngayon.

Kumpleto ang mga anak nina Bong at Lani at naroon din ang malapit nang magsilang na si Inah Bautista-del Rosario. 

* * *

Gusto man naming magtagal sa birthday party ni Sen. Bong Revilla, kinailangan kaming umalis nang maaga dahil tumuloy pa kami sa unang gabi ng lamay ng ama ni Gabby Concepcion na si G. Rollie Concepcion na nagkaroon ng massive heart attack nung gabi ng Martes (September 23).  Ang burol ay sa chapel ng Montessori de San Juan na pag-aari ng pamilya Concepcion. 

Isang mahigpit na yakap ang aming tinanggap kay Gabby nang kami ay makapasok ng chapel kung saan din namin inabutan ang equally controversial friend ni Gabby na si Nadia Montenegro at iba pa. Inabutan din namin doon ang youngest sister ni Gabby at kamukha ni KC Concepcion na si Sandy.

Dumating ang ina ni Gabby na si Baby Arellano-Con­cep­cion galing Amerika nung Huwebes ng uma­ga na mga kapatid na sina Juju at Rina at parating naman ngayong Sabado galing din ng Estados Unidos si Dinky habang nasa Pilipinas sina Gabby, Mike at Sandy.

Isang emosyonal na pagtatagpo ang aming nasaksihan nang dumating sa lamay ang apo ng namayapa at panganay na anak ni Gabby na si KC Concepcion.  Pagkapasok ng chapel ay agad dumiretso si KC sa kanyang ama at mahigpit silang nagyakap ng matagal na animo’y ngayon lang muli sila nagkita. Umiyak si KC at ramdam na ramdam ang pagiging emotional nito sa pagyao ng kanyang lolo at problemang kasalukuyang kinakaharap ng kanyang ama.  Halos lahat ng mga taong naroon ay hindi napigilan ang mapaluha rin sa tagpong kanilang nasaksihan at kasama na rito si Manay Celia Rodriguez. 

Nakakatuwang tingnan ang mag-ama na kahit matagal nagkawalay ay makikita ang closeness nila.  Super lambing si KC sa kanyang ama at para namang baby si KC sa ama.

Maya-maya lamang ay dumating ang isa pang anak ni Gabby (kay Grace Ibuna) na si Gabrielle na agad ipinakilala ng aktor sa half-sister nitong si KC.

“Ang ate mo,” ani Gabby kay Gabrielle. Agad namang humalik sa pisngi ang magkapatid sabay yakap. Kung hindi kami nagkakamali, ngayon lamang nagkaharap at personal na nagkakilala ang magkapatid.  Maya-maya lamang ay nakita naming nag-uusap at nagkukuhaan na ng litrato ang mag-ate kasama ang kanilang ama at ang kanilang auntie na si Sandy ang tagakuha ng picture.

Matagal nag-stay sa burol si KC dahil kagabi ay tumulak siya patungong Vienna, Austria para sa premiere night ng pelikula nila ni Richard Gomez na For the First Time.

Dahil anim na araw na mamamalagi sa Austria si KC with Richard, hindi na ito makakadalo sa ibang araw ng burol at libing ng kanyang lolo.

Hindi man naging close si KC sa kanyang paternal grandpa na si G. Rollie Concepcion, ipinahayag naman niya ang kanyang pagmamahal dito.

Mag-isang dumating si Aga Muhlach at nagtagal ito sa burol.  Past midnight naman dumating si Mother Lily Monteverde habang parating naman ang pamilya Gutierrez pero nakaalis na kami nang dumating ang mga ito.

Samantala, ang dating manager ni Gabby (sa loob ng 14 years) na si Manay Lolit Solis ay dumating sa burol nung ikalawang araw

Ang libing ni G. Rollie Concepcion ay sa Loyola-Marikina sa darating na linggo.

* * *

Email: [email protected]

vuukle comment

AGA MUHLACH

AMA

BABY ARELLANO-CON

BONG REVILLA

CONCEPCION

GABBY

KANYANG

NAMAN

ROLLIE CONCEPCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with