^

PSN Showbiz

Ceasefire!

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Hanggang maaari ay ayaw na munang magbigay ng pahayag ni Mommy Rose Flaminiano tungkol kay Gabby Concepcion. Nakaburol ngayon ang ama ng aktor, kaya kumbaga sa engkuwentro ng mga military at NPA, ceasefire ang gustong mangyari ng producer.

Pero narinig niya pala sa Showbiz Mismo ang mga sinabi ng kasamang Jobert Sucaldito, ikinowt nito si Gabby, “Si Mommy Rose naman kasi, pinakiusapan ko na siyang huwag tawag-tawagan ang daddy ko, pero hindi niya ako pinagbigyan.

“Halos araw-araw, tinatawagan niya ang daddy ko, pinagbigyan man lang muna sana niya ako,” sabi raw ni Gabby.

Nagbigay ng reaksiyon si Mommy Rose tungkol dun, sumumpa pa siya, “I swear, huwag na akong magising, walang katotohanan yun. Hindi ko tinawagan kahit minsan si Mr. Concepcion, ang una’t huling pag-uusap namin, nung magkita kami sa isang restaurant kung saan kasama ko pa si Attorney (Eduardo) Flaminiano.

“Yun na yun, wala na kaming sumunod na pag-uusap pa. Bakit ko naman tatawag-tawagan ang daddy niya? Baka nananaginip si Gabby nung sabihin niya yun?

“Kung sa kanya nga, hindi ako tumatawag, sa father niya pa kaya? Huwag naman sana nilang sinasabi ang ganun. Para namang pinalalabas pa nila na dahil sa katatawag ko, kaya na-heart attack si Mr. Conccepcion,” paliwanag ni Mommy Rose.

Ang totoo, nung malaman niya na pumanaw na ang ama ni Gabby ay biglang bumiyahe pabalik ang kanyang alaala, bigla niyang naisip ang aksidente nilang pagkikita ni Gabby sa Hawaii.

Sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino ang kasama niya nung makita niya ang aktor, binigyan niya ito ng imbitasyong umuwi, ngayon lang daw niya naiisip na may matinding dahilan pala ang kagustuhan niyang magbalik sa bansa si Gabby.

“Sino ba naman ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa buhay natin? Walang-wala sa hinagap ko ang daddy niya, ngayon ko na lang napag-isip-isip, ngayon ko lang napagdugtong-dugtong ang mga pangyayari, kaya pala ganun na lang ako ka-persistent na umuwi si Gabby, mangyayari pala ang ganito kay Mr. Concepcion.

“Talagang hindi ko siya tinigilan, nung sabihin niya na ayaw na raw niyang bumalik, sinabihan ko pa si Gabby na buksan niya ang puso niya at makikita niya dun, showbiz pa rin ang hinahanap niya.

“Kaya pala. Mangyayari pala ang ganito. Salamat na lang dahil nung mamaalam ang daddy niya, nandito na siya sa Pilipinas. Kung nasa Amerika pa kasi siya, mahihirapan siyang makauwi.

“Tama, wala ngang aksidenteng pangyayari sa buhay natin. Palaging may reason, palaging merong dahilan at misyon kung bakit, ngayon ko lang napagdugtong-dugtong ang mga nangyari sa amin ni Gabby,” pag-alala ni Mommy Rose.

* * *

Sa mga nagaganap sa kanyang buhay ngayon ay napakadali para kay Gabby Concepcion ang mambato ng sisi. Emosyonal pa kasi siya, masakit sa kanyang loob ang nangyari sa kanyang ama, kaya si Mommy Rose ang pinagbubuntunan niya ng mga paninisi.

Kailangang may makapagsabi at makapagpa­liwanag kay Gabby na walang may gusto ng pangyayaring ito, wala ring kahit sino na puwedeng magdikta kung hanggang kailan na lang ang ating buhay, lalong walang kahit sinong makapagpapahaba at makapagpapaigsi ng ating buhay.

Ang nakatakda ay nakatakda na, hanggang dito na lang talaga ang buhay ni Daddy Rollie, tapos na ang misyon nito sa mundo.

Ang tingnan na lang sanang anggulo ni Gabby ay yung namatay ang kanyang ama na nandito na siya sa Pilipinas, nakasama niya pa nang matagal-tagal na panahon si Daddy Rollie bago ito pumanaw, magiging mahirap para sa kanya ang pagkamatay ng kanyang ama na nasa Amerika pa siya.

Mas magiging magaan para kay Gabby ang pagtanggap sa nangyari kung buburahin na niya sa kanyang utak ang pagpapaako sa ibang tao sa pagkamatay ng kanyang daddy.

Tanggapin na lang dapat niya ang katotohanan na may itinakdang araw sa ating pagkapanganak at pagkamatay. Meron tayong tinatawag na guhit ng palad.

Kung ano ang nakatakda ay hindi na mapipigilan pa.

vuukle comment

DADDY

DADDY ROLLIE

GABBY

GABBY CONCEPCION

KANYANG

KUNG

LANG

MOMMY ROSE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with