Vina ready nang maging nanay

Totoo at hindi tsismis na two months pregnant si Vina Morales. Hindi na idine-deny ni Vina ang kanyang kalagayan.

Isang Chinese businessman ang tatay ng ipinagbubuntis ni Vina. Mahal na mahal ni Vina ang lalake na naging boyfriend din noon ni Patricia Javier.

Ready na si  Vina na maging nanay. Thirty-two years old na siya. Hindi na siya bumabata.

Hindi pa puwedeng pakasalan si Vina ng kanyang boyfriend dahil hindi pa raw  annulled ang kasal nito sa asawa.

Minsan ko nang napanood sa TV ang asawa ng Chinese businessman. In fairness, maganda rin siya.

* * *

Natsitsismis din na buntis si Gretchen Barretto pero seksing-seksi nang ma-sight ng mga reporter sa isang showbiz event.

At kung true man na buntis si Gretchen, walang masama dahil magkasama sila ni Papa Tonyboy Cojuangco.

Si Gretchen ang artista na palaging napapabalita na buntis pero madalas na false alarm ang tsismis.

Malaki na si Dominique, ang unica hija nina Greta at Papa Tonyboy. Puwe­deng-puwede na siyang masundan at magkaroon ng baby brother o baby sister.

* * *

Nag-usap kami ni  Gabby Concepcion sa telepono noong Miyerkules at iyak siya nang iyak sa pagkamatay ng kanyang tatay.

Bilang respeto kay Gabby, hindi ko puwedeng i-share ang aming mga napag-usapan pero alam daw niya na mahal na mahal ako ni Daddy Rollie, kahit nagkaroon kami noon ng mga misunderstanding.

Nagtago si Gabby sa likod ng altar habang kausap ko siya sa telepono dahil ayaw niyang ipakita sa mga tao ang kanyang pag-iyak.

Dumadaan ngayon si Gabby sa maraming pagsubok pero masuwerte pa rin siya dahil limang buwan niyang nakasama si Daddy Rollie bago ito pumanaw.

Mas magiging mahirap kay Gabby kung hindi sila nagkita ni Daddy Rollie habang buhay ito.

Dumating na kahapon si Mommy Baby at ang ibang mga kapatid ni Gabby mula sa Amerika.

 Nakunan naman ng mga TV camera ang pagpunta ni KC Concepcion sa burol ng kanyang lolo noong Miyerkules ng gabi.

Ngayon ang alis ni KC papunta sa Austria para sa premiere doon ng For The First Time. Gustuhin man ni KC na huwag umalis, hindi puwede dahil matagal nang commitment ang pagpunta nila ni Richard Gutierrez sa Austria.

Sinalubong si KC ng kanyang Tita Sandy nang dumalaw siya sa burol ni Daddie Rollie. Si Sandy ang kapatid ni Gabby na kamukhang-kamukha ni KC. Papasa sila na magkapatid o mag-ina.

* * *

September pa lang pero paubos na raw ang mga ticket para sa December 5 duel nina Manny Pacquiao at Oscar dela Hoya dahil marami ang nag-aabang sa kanilang paghaharap.

Nakakundisyon na ang isip ng mga pulitiko at celebrity na panonoorin nila ang laban nina Pacquiao at De La Hoya sa Las Vegas dahil hindi sila papayag na ma-miss ang pinakamaingay at bonggang boxing match.

Pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko ang imbitasyon ni Manny na pumunta ako sa Las Vegas para panoorin ang laban nila ni Oscar.

Hindi ko ugali ang pumunta sa abroad tuwing December. Mas malaki ang mawa­wala sa akin dahil busy ako sa pangongolekta at panghaharbat ng mga Christmas gift para sa akin. May qouta ako na kailangang ma-achieve!

Show comments