Ara Mina at Pacquiao NAGTAGPO sa Amerika; Luha ni Mrs. Flaminiano 'di pumatak

Seen : Si Gabby Concepcion ang nagdala sa kanyang ama sa Lourdes Hospital noong Martes ng gabi. Bandang 7:30 p.m. nang dalhin sa ospital si Mr. Rollie Concepcion at binawian siya ng buhay ng ganap na 8:30 p.m. Iniyakan ni Gabby ang pagkamatay ng kanyang mahal na ama.

Scene : Bitin ang mga televiewers sa panonood ng Survivor Philippines dahil mas mahaba pa ang commercials ng show. Ang pakiramdam ng mga televiewers, lugi sila.

Seen :  Ang sagot ni Sharon Cuneta sa tanong sa kanya ni Karen Davila. Hindi siya galit sa kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion. Iba ang sinasabi ni Sharon sa kanyang inaasal dahil hindi pa siya handa na makaharap at makausap si Gabby.

Scene : Ang pag-aabang sa muling pagtatagpo nina Charlene Gonzales at Kris Aquino. Hindi mangingimi si Charlene sa muling paghaharap nila ni Kris. Nakakita ng katapat si Kris. Hindi umubra kay Charlene ang kanyang kataklesan.

Seen : Si Charlene Gonzales ang pinagkaguluhan ng press sa anniversary presscon ng QTV 11. Napilitan ang staff ng QTV 11 na i-pull out siya para pakinggan ng mga reporters ang dalawang female host na Inglesera ngunit hindi nila kilala.

Scene :  Ang interbyu ni Boy Abunda kay Rose Flaminiano sa The Buzz. Napaiyak si Rose ngunit hindi masyadong pumatak ang kanyang luha habang naglilitanya siya ng sama ng loob laban kay Gabby Concepcion. Nag-attempt si Rose na magpa-cute nang sabihin niya na corn oil at hindi mantika ang kanyang ginagamit sa pagluluto. Patungkol kay Nadia Montenegro ang kanyang sinabi na hindi raw niya idedemanda dahil mantika lang ang kanyang mapapala. Look who’s talking!

Seen : Ang muling pagkakadawit ng pangalan ni Ara Mina sa biglang pag-uwi ni Manny Pacquiao sa Pilipinas. Ang tsismis na nagkita sila ni Manny sa Amerika at nakarating kay Jinkee Paquiao ang balita.  Nag-deny si Jinkee. Hindi selos ang dahilan ng pag-uwi ng kanyang asawa. Gusto lang niya na palaging katabi ang asawa.

Show comments