Karylle sinamahang magpa-check up ni Dingdong sa OB-Gyne?!; Charlene Iwas na Iwas Pag-Usapan si Kris
Finally, na-corner din si Charlene Gonzales after ng issue sa kanila ni Kris Aquino sa fashion show ni Randy Ortiz. Remember the issue: ‘Yun yung sinabihan ni Kris na ‘pa-star’ si Charlene dahil iba ang kulay ng damit nito kesa sa karamihan sa nasabing event. Pero imbes na manahimik sa mga parinig ni Kris, nilapitan niya (Charlene) ang asawa ni James Yap at binulungan: ‘do you have a problem with my dress?’ Sumagot si Kris: joke lang daw ‘yung ilang ulit niyang pagsasabi na ‘pa-star’ si Charlene.
Nag-apologize naman si Kris sa TV Patrol pero pinanindigan nito na joke lang ang lahat. Kaya lang talagang walang history ng pagtataray si Charlene kaya ayun napunta ang simpatya ng lahat sa asawa ni Aga Muhlach.
Iwas na iwas si Charlene the other night sa presscon ng QTV 11 na mag-comment tungkol sa nasabing kuwento. Pero napilit siya: “I have nothing but good intentions for everybody,” sabi niya na the usual Charlene ang tono.
“Ganun ang belief ko sa buhay.
“I wish everyone well. So it’s not worth burning any bridges with anyone. Maliit lang ang showbiz.” Kaya ayaw na niyang pahabain pa ang issue.
Pero sobrang tumaba ang puso niya dahil sa rami ng suporta. “Nakakataba ng puso that through the years, I have siguro planted good seeds and I have the opportunity to meet wonderful friends.”
Maging ang mommy niyang si Tita Elvie Gonzales ay gulat sa suporta ng marami sa kanyang anak.
She’s fine daw after ng insidente.
At pag may opportunity na mag-guest si Kris sa kanyang programa sa Q 11 na Proudly Filipina, sagot ni Mrs. Muhlach: “Everybody is invited.”
Marami pang gustong uriratin kay Charlene, pero tamang-tamang pinull out na siya ng staff ng Q 11 dahil lahat yata ng press ay gusto siyang kausapin at wala nang nakikinig sa dalawang host ng presscon na parehong Inglesera.
Pero bago siya nakatayo, naurirat pa rin ang tungkol sa malaking birthday party ng kambal nila ni Aga - Atasha at Andres na pitong taon na pala sa November 5.
Pitong taon na ang kambal, may plano na ba silang sundan ito? “Ang gusto talaga namin ni Aga, isang boy at one girl. Pero binigay ng sabay sa amin. Maybe one for the road. Pero malayo pa sa isip namin,” react ni Charlene na beauty queen pa rin ang aura.
* * *
Ano kaya ang ginagawa nina Dingdong Dantes at Karylle sa isang hospital? Magkasamang dumating ang dalawa sa Manila Doctors kahapon ng hapon. Kuwento ng eye witness, nagpunta sa OB-Gyne ang dalawa. After daw na manggaling ang dalawa sa OB-Gyne, dumiretso sina Dingdong at Karylle sa ortho dahil nakabenda ang braso ng aktor.
Hmmm, dapat ba tayong magmalisya sa pagpapa-check up ni Karylle sa OB?
Pero may room number pang binigay ang eye witness eh. Room number 216 na occupied daw ng OB-Gyne.
* * *
Nakakalungkot naman ang nangyari sa tatay ni Gabby Concepcion. Siguradong may bahid ng pagsisisi sa aktor. Pagsisisi dahil naiisip siguro niya na kung hindi siya umuwi ng bansa, baka buhay pa ang tatay niya dahil wala itong iisiping intriga sa kanya.
Sakit sa puso ang matagal nang dinadamdam ni Mr. Rollie Concepcion at masama sa taong may ganitong sakit ang mag-isip lalo na nga sa problema ni Gabby ngayon na nakalkal na yata lahat ng issue nang mag-away sila ng kanyang manager na si Mrs. Rose Flaminiano na humantong pa sa demandahan.
Kasi kung hindi nga naman umuwi si Gabby sa bansa, sana tahimik ang buhay nila pare-pareho. ‘Yun nga lang, hindi naman niya ito nakasama kahit sandali lang.
O baka iba rin ang naging kapalaran kung si ‘Nay Lolit ang naging manager niya dahil siya pala ang gusto ni Mr. Rollie na mag-handle ng career ng aktor noong hindi pa ito nakakabalik ng bansa.
Anyway, isipin man lahat yun ng aktor, huli na ang lahat.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail: [email protected]
- Latest