^

PSN Showbiz

Ano'ng titulo na pwede kay Sarah?

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Sa success na tinatamasa ni Sarah Geronimo ngayon, pwede na siyang bigyan ng titulo, tulad ng Superstar ni Nora Aunor, Star For All Seasons ni Vilma Santos, Diamond Star ni Maricel Soriano, Star of the Decade ni Manilyn Reynes at ang kung sinu-sino pa. Na-earn na ni Sarah ang oportunidad na ito at maging ang mga followers niya ay matutuwa kung maihahanay na si Sarah sa mga nabanggit na artista na nagpamalas ng kakayahan bilang artista at manganganta.

* * *

Na-touch naman ako nang tawagan ako ni Mark Anthony Fernandez para lang kamustahin. Alam n’yo itinuturing ako ng batang ito na pangalawang ama niya. Kung meron mang naliligayahan sa magandang takbo ng kanyang career, ako ’yon dahil sa simula pa lamang, talagang sinubaybayan ko na ang kanyang career.

Mark, kung meron akong maitutulong pa, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin. Ipagpatuloy mo ang magandang pagpapatupad ng iyong career. May talino ka, tamang attitude lamang ang kailangan mula sa iyo. Mahalin mo ang trabaho mo, dito ka nakatakdang magtagumpay.

* * *

Sa mga dumaraming fans ni Jake Vargas, mapapanood na rin siya sa Gagambino. Isa si Jake sa mga kabataang napili kong tulungan dahil bukod sa talagang may talino na, may itsura rin at may inang may karamdaman na nangangailangan ng kanyang tulong na pinansyal.

Masaya si Jake dahil malaking artista ang makakasama niya sa bagong serye ng GMA 7, sina Dennis Trillo, Katrina Halili at Jean Garcia bilang kontrabida. Kasama rin si Jake sa Batang X ng TV 5.

* * *

Ang saya naman ng birthday celebration ni Sen. Bong Revilla na ginanap sa SOP. Nandun lahat ng pamilya niya, mula kay Lani Mercado hanggang sa limang anak niya, matangi kay Inah na nakita lamang sa isang video clip dahil sa kalagayan nito ngayon.

Kapuri-puri si Lani dahil sa kabila ng pagkakaro’n ng anim na anak ay napapanatili nito ang kanyang kagandahan, ’di mo sasabihin na may mga binata’t dalaga na siya. Wala na talaga siya sigurong problema sa kanyang mister ngayon.

Although medyo nababahiran ng lungkot ang birthday ni Bong dahil wala si Daboy, in spirit, nasa tabi ito ng kanyang kaibigan. Isa pa ring kaibigan, si Sen. Jinggoy Estrada ang nagbigay tribute sa pamamagitan ng paghu-host sa isang film clip na mala-Kap’s Amazing Stories. Dahil sa 25th ang talagang birthday ni Bong, magkakaro’n ito ng selebrasyon para sa mga kaibigan niya sa Greenhills.

Happy birthday, Bong!

vuukle comment

AMAZING STORIES

BATANG X

BONG REVILLA

DAHIL

DENNIS TRILLO

ISA

JAKE VARGAS

JEAN GARCIA

JINGGOY ESTRADA

KATRINA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with