'Magsasalita na ako ng tapos, never ko nang ima-manage ang career ni Gabby'

Invited ako sa presscon ng Ponds para kina Piolo Pascual at Dingdong Dantes kaya maaga pa lang, nasa kalye na ako.

Hindi ko pinangarap na matrapik sa Edsa at ma-late sa presscon dahil malayo mula sa bahay ko ang Crowne Plaza.

Napaaga ang dating ko sa hotel. Wala pa ang mga invited press pero dahil sa gutom, ako ang unang-unang kumuha ng pagkain sa buffet table.

Satisfied ako dahil masarap ang pagkain sa Crowne Plaza at na-impress ako sa petals ng white roses na nakakalat sa sahig dahil Pink Ponds nga ang ipino-promote nina Piolo at Dingdong.

Hindi kaagad lumabas ang dalawa dahil tinapos muna nila ang interbyu sa kanila ni Ricky Lo para sa The Ricky Lo Exclusives.

Si Piolo ang unang nag-hi sa akin nang magkita kami. Hindi ito ang first time na nagtagpo kami ni Piolo dahil nagkita na kami noon sa huling gabi ng burol ni Rudy Fernandez.

Hindi nagkamali ang Ponds sa pagkuha kina Dingdong at Piolo bilang mga endorser dahil gina­gamit din nila ang produkto. Effective na pang-alis ng make-up ang Ponds dahil gumagamit din ng make-up ang mga artistang lalake sa kanilang mga taping at shooting.

* * *

Mukhang bagong gising si Dingdong dahil umaga na nang matapos ang taping ng Dyesebel.

Halos araw-araw na ang taping ng Dyesebel dahil malapit na itong matapos at magsisimula na ang shooting ng pelikula nina Dingdong at Marian Rivera.

Hindi na raw matutuloy ang US show nila sa November dahil wala nang araw na maibigay sa pro­ducer. Ganyan ka-hectic ang schedule nina Dingdong at Marian.

* * *

Hindi ako nagtagal sa presscon ng Ponds dahil kinukulit ako ng mga TV crew. Type nila akong interbyuhin tungkol sa away nina Gabby Concepcion at Mommy Rose Flaminiano.

Hindi sila nagtagumpay na mainterbyu ako. Ayo­kong makisawsaw sa kanilang away. Kung magsa­salita ako, noon ko pa sana ginawa sa Startalk.

Magsasalita na ako ng tapos, never ko nang ima-manage ang career ni Gabby. Tama na ang 14 years na pinagsamahan namin. Matagal na akong nag-move on. Busy ako sa aking mga dati at bagong alaga.

* * *

Mula sa Ponds presscon, pumunta ako sa contract signing ni Marvin Agustin para sa Urban Edge.

Brand ng t-shirt ang Urban Edge at si Marvin ang kanilang image model. Nag-promise sa akin si Russell ng Urban Edge na dadalawin niya ako sa studio ng Startalk at bibigyan ng mga  t-shirt na kan­yang ipapagawa para sa akin. Bongga di ba?

Dahil siya na ang model ng Urban Edge, mga Urban Edge shirts na ang gagamitin ni Marvin sa kanyang mga TV show.

Hindi nauubusan si Marvin ng projects sa GMA 7. Work lang siya nang work kaya tuluy-tuloy ang pagdating sa kanya ng biyaya.

Naniniwala ako na isa si Marvin sa mga mayaya­mang aktor dahil matipid siya. Alam niya kung paano mag-invest. Hindi siya katulad ng ibang aktor na palaging ubos ang datung dahil sa kanilang mga bisyo.

* * *

Belated happy birthday kay Dondon Sermino at advance happy birthday kay Jerry Olea.

Nagkaroon ng joint birthday celebration sina Dondon at Jerry sa Imperial Palace Hotel ni Mother Lily Monteverde noong Miyerkoles.

Invited ako pero hindi ako nakarating dahil 9:00 pm ang calltime para sa kanilang party. Mas pinili ko na umuwi at matulog nang maaga. Pupuntahan ko na lang sila sa part 2 ng kanilang birthday party na gagawin bukas sa bahay ni Jerry.

Show comments