John Lloyd nai-excite kay Marian

Galing sa pictorial nila ni Sarah Geronimo for Chalk magazine si John Lloyd Cruz bago humarap sa press para sa thank you merienda na pasasalamat niya sa suporta ng press sa One More Chance, at A Very Special Love at sa comedy series na I Love Betty La Fea.

Nagpatulong din ito para ipaalam na sila ni Alessandra de Rossi ang tampok sa Maalaala Mo Kaya sa Saturday. Ang husay ni John Lloyd sa episode tungkol sa taong schizophrenic sa tulong ni direk Jeffrey Jeturian. Kung may enough time, gusto sana niyang pumasok sa mental ward to observe. Maghihintay siya ng feedback kung okey ang kanyang acting.

Matutuwa ang mga fans nila ni Sarah sa ibinalita ni John Lloyd na by November, shooting na ng next movie nila. Posible bang maging sila ni Sarah kung wala siyang Liz Uy?

“Si Sarah ay 20 years old lang at alam nating inaalagaan siyang mabuti ng parents niya pagdating sa mga lalaki. Ang hirap niyang lapitan, but I will definitely take my chance,” sey ng aktor.

Nabanggit naman nito si Marian Rivera sa mga gusto niyang makapareha. Sabi nito: “Nadinig ko ang name ni Marian and I have to be honest, na-excite ako sa idea to work with her. Nakakalungkot na nali-limit kami sa kani-kanyang networks.”

* * *

Masaya ang GMA Films, ang production staff at cast ng ITALY na nabigyan ng grade B ng Cinema Evaluation Board ang pelikulang palabas ngayon. Ang pagkakaroon ng positive values and highly entertaining story ang mga rason kung bakit nabigyan ito ng grade B.

Samantala, hindi natuloy ang ipinagyabang ng mga fans nina Mark Herras at Rhian Ramos na ibo-boo nila ang dalawa sa premiere night ng movie. Hanggang salita lang pala sila, pero inamin ni Rhian na ninerbyos din sila ni Mark at inihanda ang sarili for the worst. Ini-expect nilang habang bumabati sila sa nanood do’n sila ibo-boo, kaya mabilis ang bati niya. Si Mark, humawak sa kamay niya habang bumabati. Kaya happy silang walang masamang nangyari sa gabing ’yon at lahat ay nag-enjoy.

Ipapalabas sa Hong Kong sa September 20 and 21 ang movie at si Rufa Mae Quinto lang yata sa cast ang makakapunta. May premiere rin ito sa ibang parte ng Europe.

* * *

Na-trauma si Ronnie Liang sa intrigang ginagamit niya sa publicity si Sarah Geronimo nang amining crush niya ito. Ayaw niyang magalit sa kanya si Sarah at ang ina nito, kaya nang magkita sila sa rehearsal ng ASAP ’08, lumapit siya sa mag-ina para mag-sorry at magpaliwanag.

“Sabi ko, Miss Sarah, gusto ko lang i-clear na ’di ko sinabing ititira kita sa mansion. Ang sagot niya, hayaan ko na lang at gano’n talaga ang showbiz. Open akong crush ko siya at walang masama roon.”

* * *

Guests sa episode na The Newest Pinoy Idols ng Moms this Thursday ang 1st Pinoy Idol na si Gretchen Espina kasama sina Jayann Bautista at Ram Chaves. Monday to Friday, 5 p.m. sa Q-11 napapanood ang Moms with hosts Lani Mercado, Sherilyn Reyes, and Manilyn Reynes. 

Show comments