Jennylyn sasabak na sa trabaho

Sikat na sikat na uli ang aking inaanak na si Mark Anthony Fernandez. Marami ang nagre-request na bigyan kaagad siya ng bagong show sa GMA 7 pagkatapos ng Ako Si Kim Samsoon.

Ang sey ng fans, hindi raw sila papayag na ma-miss si Mark sa TV. Hindi raw kumpleto ang kanilang araw kapag hindi nila napapanood sa TV si Mark.

May isang fan nga na hinanap pa ang lumang TV commercial ni Mark para sa isang fastfood. Cute na cute siya kay Mark sa TV commercial na pinag­sama­han nila nina Maricel Soriano at Anna Larrucea.

Naniniwala ako na igina-guide ni Rudy Fernandez ang career ni Mark dahil muling nagning­ning ang career ng kanyang anak mula nang mama­tay siya.

Sure ako na natutuwa si Daboy sa mga nang­yayari ngayon sa showbiz career ng kanyang panganay. Natupad na ang sinabi ni Mark sa eulogy para kay Rudy na gagawin niya ang lahat para maipagmalaki siya ng kanyang ama.

* * *

Mali ang tsismis na ibo-boo ng fans sina Rhian Ramos at Mark Herras sa premiere night ng I.T.A.L.Y.

Walang insidente ng pambo-boo na nangyari. Puro tawanan ang narinig mula sa audience na naaliw sa mga eksena ng pelikula.

May naninira lang talaga kina Mark at Rhian. Hindi nila matanggap na puwedeng ipareha si Mark sa ibang artistang babae. Natural sa mga tagahanga ang magselos. Hindi ko masisisi ang fans ni Mark kung pagselosan man nila si Rhian.

* * *

May good news ako sa fans nina Mark at Jennylyn Mercado. Magsasama sila sa isang episode ng Dear Friend.

Balik-trabaho uli si Jennylyn pagkatapos nitong isilang ang love child nila ni Patrick Garcia.

Hindi lamang magiging busy sa mga TV guesting si Jennylyn. Gagawa rin siya ng pelikula sa OctoArts Films. Kasama siya sa cast ng One Night Only at ito ang kanyang comeback movie.

Na-miss ni Jennylyn ang showbiz. Na-miss din niya ang magtrabaho dahil matagal siyang nabakante.

* * *

Sosyal ang singer na si Charice dahil maugong ang balita na mismong si Oprah Winfrey ang magma-manage ng kanyang singing career sa Amerika.

Hindi na maabot si Charice dahil mga maimpluwensyang tao sa Amerika ang tumutulong sa kanya.

Ano kaya ang masasabi ng tatay ni Charice na nag-abandona sa kanyang asawa at anak? Imbyerna kaya ang fadir dahil alam na ng buong mundo na bayolenteng ama at asawa siya?

Itsinismis ni Celine Dion sa kanyang concert ang malungkot na buhay ni Charice nang mag-duet sila sa Madison Square Garden. Tama ba na makisawsaw sa isyu si Celine na bilib na bilib kay Charice?

Huwag tayong magtaka kung biglang lumitaw ang tatay ni Charice para ipagtanggol ang kanyang sarili. May karapatan din siya na i-defend ang sarili ‘noh!

Show comments