^

PSN Showbiz

Jolina nag-Manaoag para sa pelikula at album

- Veronica R. Samio -

“Hindi lamang ako nagpunta ng Manaoag dahil may hinihiling ako, this time nagdasal ako na kahit anong mangyari sa movie na ITALY gusto ko lang ay magkaro’n ng inner peace. Nag­pasalamat din ako sa maraming bless­ings na tinatanggap ko.

“Napanood ko na ang rough copy ng movie, may kulay na ito at music score, at hindi naman sa pagbubuhat ng sarili kong bangko, maganda ang movie. Umpisa pa lamang ay mala­king eksena na kaagad at marami nito sa movie. Alam mo na sa ibang bansa gi­nawa dahil sa mga bagong sce­neries.

“Masaya rin ang movie, entertai­ning, kahit malungkot ang story ng mga OFWs na aming ginagam­panan, ikinuwento ito sa masayang pama­ma­raan. Riot ang mga scenes nina Eu­gene Domingo at Rufa Mae Quinto. May kilig naman yung love story nina Mark Herras at Rhian Ramos,” kwento ni Jolina Magdangal sa ilang piling press para sa promo ng kanyang bagong album sa GMA Records na pinamagatang Destiny. Siyempre, hindi maiiwasang mapag-usa­pan ang kanyang pelikula sa GMA Films na bukod sa mga binanggit niyang artista ay tampok din si Dennis Trillo, sa ilalim ng direksyon ni Mark Reyes.

Kasama sa album na Destiny ang theme song ng ITALY (I Trust and Love You), ang Will of the Wind, ito rin ang carrier single ng album.

My dalawa pang revival songs sa loob, ang When I Fall In Love at Stitches and Burns ng Fra Lippo Lippi. Pinili niya ito dahil para sa kanya kapag umibig siya, “it will be forever.”

Swerte naman ng boyfriend niyang si Atty. Bebong Muñoz na ani­ya ay alaga niya ng husto. At kahit pamin­san-min­san ay nakaka­ram­dam siya ng selos, na katu­lad ng maraming baba­eng in love, hindi siya nag­­papakita ng galit bag­kus bina­baitan niya ito.

* * *

Maaari kayong mag-download ng mga awi­tin. Habang ginagawa ko ito ay wala pa akong telepono, ’di pa maka­tawag pero nata­ta­wa­gan. Tatlong araw na akong naka­bitan ng phone ng PLDT dito sa Fairview pero kahapon ko lang nalaman na may naunang nagma­may-ari ng number ko, isang nagngangalang Nenita Lizerio. At isa sa tu­manggap ng rek­lamo ko sa PLDT sa ma­­higit 10 ulit kong pag­­­tawag sa kanila ang nagsabi na putol ito kaya hindi matawagan.

Ganooon?! Eh Bakit meron palang may-ari at hindi pa sila nagka­kaayos ay ibinigay na sa iba, sa akin, ang num­ber niya? Kaya pala nung first day ng tele­pono sa akin ay may sumasagot kapag ina­angat ko, parang may party line na malabis kong pinagtak­han. Sa pangalawang araw, pa­lagi nang busy ang linya ko, ’di na pwede ang out­going calls pero may mga incoming!

Marami sa sumagot ng reklamo ko sa ibi­nigay na hotlines ng PLDT ang nagsabing wala silang magagawa, I had to go to the nearest PLDT office to clear and have an update on my line, eh kaso Sa­bado ang sumunod na araw, walang opisina. Meron sa SM Megamall, SM North EDSA, eh ang layo sa mga ito ng bahay ko, sa Fairvew pa! Kung sa Lunes pa ito magagawan ng paraan, sayang naman ang mga apat o limang araw na itinakbo nito.

Tinatawagan ko ang PLDT. Ordinaryong pangyayari na lang ba ang ganitong reklamo ng mga customer n’yo? Napaka-unfair naman! Ang dami n’yo ngang numero na ibinibigay para matawagan namin at maibigay ang aming reklamo pero maraming oras ang ginugugol dito para kami makakuha ng tamang mga kasagutan. Ewan ko kung gaano katagal bago magawa ang telepono ko. Eh kailangan ko nang mag-email ng column ko. Ibig sabihin ba, lilipat uli ako at makikiutang na loob sa kapitbahay na may telepono, o sa malapit na internet shop? Pinahihirapan n’yo naman ang mga customers n’yo!

* * *

Nagbabalik ang Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection para maghasik ng lagim sa ikatlo at pinakahuling installment ngayong 2008, ang Florinda, malapit na sa ABS-CBN pa rin.

Ilang buwan na ang nakalipas nang mapanood ang television version ng dalawa sa pinakanakakatakot na mga pelikula sa kasaysayan ng Philippine television, ang Patayin sa Sindak si Barbara at Maligno. Hindi lamang ito pagbabalik-telebisyon ng nag-iisang Queen of Philippine Movies kundi television comeback din ito ng dalawa pang nagniningning na mga bituin, ang Box Office Horror Queen Kris Aquino at Teleserye Queen Claudine Barretto.

Pinagkaguluhan at kinatakutan ang mga horror classic films ni Ms. Susan Roces na ginawan ng TV version at sa katunayan, naging horror icons ang doll na si Chelsea sa Patayin sa Sindak si Barbara at ang demon child na si Angelo sa Maligno.

At ngayon, sa ikatlo at final installment ng Susan Roces Cinema Collection: Florinda, walang dudang muli itong mananakot at pag-uusapan ng taong bayan dahil isang award-winning actress and gaganap bilang Florinda, ang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano.

Ano’ng mga sikreto ang mabubunyag ni Florinda? At anong kababalaghan ang bumabalot sa bahay niya?

Abangan na lang natin.

vuukle comment

BEBONG MU

BOX OFFICE HORROR QUEEN KRIS AQUINO

DENNIS TRILLO

DIAMOND STAR

FLORINDA

SHY

SUSAN ROCES CINEMA COLLECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with