Baby boy ang kay Aubrey!

Anyday now ay nakatakdang isilang ni Aubrey Miles ang kanilang magiging first baby ng boyfriend niyang si Troy Montero, Cody Miller sa tunay na buhay. 

Baby boy ang ini-expect na baby nina Aubrey at Troy at may nakahanda na silang pangalan sa panganay, Hunter Cody Sandel Miller. 

Cody ang tunay na pangalan ni Troy at Sandel naman ang tunay na apelyido ni Aubrey. Si Dra. Estrellita Adan ng St. Luke’s ang OB-gynecologist ni Aubrey at expected na siya’y manganganak ng normal dahil wala naman umanong signs na siya’y masi-caesarian. Balak ni Aubrey na i-breastfeed ang kanyang baby.

Kahit dito sa Pilipinas isisilang ni Aubrey ang baby nila ni Troy, inaasikaso na umano nila ang documents ng bata para ito’y maging isang American citizen dahil American citizen si Troy.

Mahigit limang taon na ang relasyon nina Aubrey at Troy pero hindi pa rin sila nagpapakasal pero balak umano nila itong gawin sa isang taon o kung hindi man sa year 2010.

Although kahit walang gaanong projects si Troy sa TV at pelikula, pinagkakaabalahan naman nito ngayon ang kanilang itinatayong post-production house sa tulong ng kanyang mga kaibigan at business partners.

* * *

Ngayong nakapanganak na si Jennylyn Mercado ng kanyang baby (Jazz) kay ex-boyfriend na si Patrick Garcia, umaasa siya na tatanggapin pa rin ng tao ang kanyang comeback.

Marami pa rin naman ang supportive sa kanya lalung-lalo na ang kanyang mga kaibigan at mga fans. Hindi rin bumitaw sa kanya ang ex-boyfriend at ka-loveteam niyang si Mark Herras at ibang kasamahan sa Starstruck 1.

Gusto rin ni Mark na mabalik ang tambalan nila ni Jen dahil naniniwala siya na kahit may anak na ito ay may following pa rin sila dahil hindi naman nagbago sa kanila ang kanilang mga tagahanga.

Tinanong din si Mark kung posible bang mainlab siyang muli sa dating kasintahan.

“Siguro, panahon lamang ang maka­pagsasabi kung magiging kaming muli ni Jen,” ani Mark na excited na muling makatrabaho ang ka-loveteam.

* * *

Sa edad na trenta ay handa na si Judy Ann Santos na lumagay sa tahimik lalo pa’t wala na siyang kailangan pang patunayan dahil na-achieve na niya ang goal na pinapangarap ng marami, ang maging matagumpay sa larangang kanyang pinasok.

Although engaged na sina Juday at ang kanyang kasintahang TV host-actor na si Ryan Agoncillo, wala pa umano silang fixed date kung kelan sila magpapakasal dahil pareho pa silang busy sa kanilang respective careers. Gusto rin ni Ryan na maipagpatayo muna niya ng bahay si Juday bago sila magpakasal para may titirahan na sila.

Sa presscon ng pang-48th anniversary presentation ng Regal Films na Mag-ingat ka sa Kulam na balik-tambalan nina Juday at Dennis Trillo, inamin ng young superstar na si Ryan ang sagot ng Diyos sa kanyang mga dasal. 

Samantala, very thankful si Juday na ang pelikula ang ginawang anniversary offering ng Regal. Flattered umano siya at isa itong malaking honor. Si Mother Lily Mon­teverde ang siyang su­mugal noon kay Juday sa pelikula. 

Bukod sa mga naunang box office hit movies ni Juday, sa Regal din siya nakagawa ng marami sa kanyang award-winning movies tulad ng Sabel, Mano Po 2, Aishite Imasu at Nasaan ang Puso?

Bukod kay Dennis, kabituin din ni Juday sa Mag-ingat sa Kulam sina TJ Trinidad, Mart Escudero, Kris Bernal at Sharlene San Pedro.

Ang nasabing pelikula ay matutunghayan na sa mga sinehan nationwide simula sa Oktubre 1.

* * *

Hay naku Salve, mapapribado o mapa-showbiz man, marami pa rin ang mga taong manloloko kahit pa sa mga taong pinagkatiwalaan mo at itinuring mong kaibigan!

Hinding-hindi namin makakalimutan nang minsan kaming lokohin ng isang nagngangalang Rey Rufino, isang matagumpay na negosyante sa construc­tion na nagumon sa sugal kaya pati mga kaibigan ay kanyang niloko. Dalawa sa marami niyang niloko ay kami ng singer na si Miriam Pantig na pare­hong nagti­wala sa kanya sa construction ng aming res­pective houses.

Pareho kami ni Mi­riam na tinakbuhan ng manlolokong si Rey. 

Sa part ko, wala ni isang poste ang naitayo at naitakbo niya ang aming hard-earned money. 

At that time, nang magtungo kami sa NBI, hindi lamang pala kami ang kanyang niloko. 

Hindi man nakulong si Rey Rufino, hindi na­man siya ligtas sa judg­ment ng nasa Ita­as at kami ay nanini­wala sa karma.   

Marami na rin ang nanloko sa amin at ang nakakalungkot lang, mga taong pinagkati­walaan, nirespeto at itinu­ring pa naming ka­ibigan. 

Nang dahil sa pera, kahit pagkakaibigan ay nasisira. How sad!

* * *

E-mail: a_amoyo@pimsi.net

Show comments