Dad ni Jolina wish na 'wag munang magpakita si Gabby

Sinagot ni Dennis Trillo ang nasulat na nakita si Cristine Reyes sa GMA Network last Sunday, hinintay daw siyang matapos ang SOP at habang naghihintay, nagkape ito sa coffee shop na nasa building ng network.

Sabi ni Dennis: “Hindi totoo ’yon, may meeting ang buong cast at staff ng SOP immediately after Sunday’s live show. After ng meeting, dumiretso ako ng mall show para sa promo ng ITALY.”

Ang sunod na tanong kay Dennis ay kung totoong nasa GMA that time si Cristine?

Ang sagot nito’y “I don’t think so, ABS-CBN na siya at parang hindi logical na pupunta pa siya ng GMA para magkape.”

Oo nga naman, lalabas na gimik lang ni Dennis ang inaming break na sila ni Cristine at ang ipinahayag na, “I’m single and happy” kung patuloy pala ang relasyon nila. Hindi rin maganda ang pag-alis ng actress sa Channel 7 para pumunta siya sa network kahit ang aktor ang rason.

Samantala, after sa promo ng ITALY ng GMA Films na showing sa September 17, ang Mag-Ingat Ka Sa…Kulam ng Regal Films ang next na ipo-promote ni Dennis dahil showing ito sa October 1, at nagti-taping na rin siya ng Gagambino. Dahil sa rami ng trabaho, wala raw muna siyang time sa lovelife, iyon ay kung wala siyang makikilang girl na kaiinlaban.

* * *

Nagbigay ng pahayag sina Mr. Jun Magdangal at Jolina Magdangal sa posibleng pagdalo ni Gabby Concepcion sa premiere night mamaya ng ITALY. Inimbita raw ang actor ng GMA Films at mukhang ayos na ang problema na dulot nang pagba-back out niya sa pelikula.

“Bakit pa siya aapir? Siya ang nang-iwan sa ere. Huwag na lang, moment ito ng cast ng movie at hayaan na lang niya. Sila ang naghirap sa movie, tapos bigla siyang lalabas? Sa ibang okasyon na lang siya magpakita,” diretsong sabi ni Mr. Magdangal.

Sagot naman ni Jolina: “Hindi ko alam ang magiging reaction ko hangga’t ’di nangyayari. Di dumating siya kung gusto niyang manood pero gusto kong mag-enjoy mamayang gabi, gusto kong namnamin ang pelikula kasama ang mga taong naghirap na mabuo ang movie. Ayaw ko namang mag-judge. Tingnan na lang natin.”

Ayaw sirain ni Jolina ang happy mood niya sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya. Gaya nang release ng kanyang Destiny album under GMA Records na dahil sa magagandang kanta’y tiyak na maghi-hit. Masaya rin siya na extended for another season ang Dear Heart at excited siya sa showing ng ITALY.

* * *

Ikinumpara ni Christopher de Leon sa “wild horse” at “stallion” si Jericho Rosales na kasama niya sa Kahit Isang Saglit ng ABS-CBN.

“He’s got the energy, you’ve got to tame him,” patuloy ng aktor na first time makakasama si Echo sa nasabing teleserye.

Kung bilib siya kay Jericho, bakit hindi ito ang pinili niyang susunod sa kanyang yapak nang tanungin ng press kung sino sa young actor ang next CDL?

“Unfair sa kanila yun at sa iba pang young actors because they have their own talents and magic. Iba ang takbo ng career nila sa akin at sana, makatrabaho nila ang mahuhusay na filmmakers sa showbiz. One thing I’m very proud of, I worked with the best, like Gerry de Leon, Ishmael Bernal, Eddie Romero, Mike de Leon, and Lino Brocka at malaking tulong din na iba ang mga ginagawa naming pelikula noon,” pahayag ni Boyet.

* * *

Ang double standard na tingin ng tao sa pagiging two-timer ng babae at lalaki ang pag-aawayan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa Two-Timer episode ng Dear Friend. 

Sumulat si Pat (Diana Zubiri) para humingi ng payo kung sino sa dalawang nobyo, si Joel (Dr. Hayden Kho Jr.) na six years na niyang boyfriend o si Kiko (Mark Herras) na six months pa lang niyang karelasyon ang pipiliin.

Nagkaproblema si Pat nang magyaya ng kasal si Joel pero nagdalawang-isip siya dahil in love rin siya kay Kiko. Sino ang dapat niyang piliin sa dalawa?

Kasama rin sa cast sina Abby Cruz, Ailyn Luna at Maricel Morales. Ang MYMP ang guest singer at kakantahin ang Now na title rin ng kanilang bagong album. Dominic Zapata directs the episode.

Show comments