Sarah ayaw pa ring pahalik

Kung nakapasa sa audition, mala­ki ang posibilidad na makasama sa Unang Hirit ng GMA 7 ang dating talent ng ABS-CBN na galing sa Season 1 ng Pinoy Big Brother. Maganda raw ang resulta ng audition ng talent at lalaban sa mga nakasabay niyang nag-audition.

Unang nilinaw sa kanya ng staff ng UH ay kung may kontrata pa siya sa Ch. 2 at nang malamang wala na, ini-schedule na siya ng audition. Hinihintay na lang ang result ng audition at malalaman ninyo kung nakuha siyang maging segment host ng mor­ning show ng Ch. 7.

Papangalanan din namin siya ‘pag sigurado na siyang makakapasok sa UH na in-fairness, may talent sa hosting. Excited na itong mapasama sa show at maging active sa showbiz.

* * *

 Kahit tumabo sa takilya ang A Very Special Love at kahit makapareha pa ni Sarah Geronimo si Piolo Pascual sa pelikula, ayaw pa rin niya ng screen kiss. Hindi nito makita ang sarili na nakikipaghalikan na napapanood ng maraming tao at kahit sabihin pang may daya.

“Gusto ko, kung makikipaghalikan ako, sa amin na lang ng partner ko at sa private na lang namin gagawin. Kinu-consider ko rin ang fans kong mga bata at once na simulan mong makipaghalikan, tuluy-tuloy na ‘yun,” paliwanag nito.

Sa tanong ng press kung virgin pa siya? Malakas at madiing “of course” ang sagot ng singer-actress. “Naman! It should be preserved at nakasaad sa Bibliya ‘yun. Kailangang careful ka at may self-control. Against tayo sa pre-marital sex,” dagdag na pahagay ni Sarah.

Samantala, pinu-promote ni Sarah ang kanyang Just Me album at ang The Next One concert sa November 8, sa Araneta Coliseum. Sa November din sisimulan ang follow-up movie nila ni John Lloyd at ang mga ito ang rason kung bakit wala muna siyang TV series.

* * *

Kasama ni Rufa Mae Quinto ang inang si Fe Ocampo nang makausap namin ang sexy-comedienne kamakailan.

Ang introduction nito’y “ako ang mommy ni Rufa Mae, nakita na ako” na kahit ang anak, natawa. Remember, nanawagan si Rufa Mae sa TV before na lumitaw at magpakita na sa kanya ang ina?

Masaya si Rufa Mae na kasama ang ina at inaalagaan na raw siya finally. Komedyana rin si mommy Fe at obvious na sa kanya nagmana ang anak sa husay magpatawa.

Very proud ang ina sa narating ni Rufa Mae at nagpapa­salamat na pinag-aral ang mga kapatid, mga pamangkin at pati mga anak niya sa pangalawang asawa.

Pabor si mommy Fe kay Bobby Lopez na maka-tuluyan ni Rufa Mae dahil mabait at very gentle. Ngayong araw, Sabado, ang three-month old boyfriend ng anak para dumalo sa premiere night ng I.T.A.L.Y. sa September 14, sa SM Megamall. First time nitong mapapanood si Rufa Mae sa movie na tiniyak naman ng dyowa niyang magugustuhan ang pelikula.  

* * *

Lalong tumitindi ang mga eksena sa Una Kang Naging Akin ngayong bumalik na ang alaala ni Darwin (Wendell Ramos) at Nick Adriano na ang pakilala sa sarili. Bumalik na rin siya kay Vanessa (Angelika dela Cruz) at nang makita ni Jessa (Maxene Magalona) ang litrato nila sa dyaryo na magkasama, labis itong nasaktan.

Show comments