^

PSN Showbiz

Gwen nawalan na ng init sa katawan!

- Veronica R. Samio -

Inamin ni Rhian Ramos na excited siya na makasamang muli si JC de Vera. Matagal na nang huli silang magkatrabaho sa Quija. Pero kung ang damdamin na ito ay maari pang mag-bloom into something else, ayaw magsalita ng magandang aktres.

“Ngayon lang kami magkakatrabahong muli, baka kapag nagkita kami araw-araw ay may mabuong a more deeper relationship. Pero sa ngayon, I want to get to know him,” aniya.

Bagaman at inamin ni Rhian na hindi pa siya ready sa mga sexy roles, may gagawin siyang teleseryeng La Lola ng GMA na ikagugulat ng mga manonood, lalo na ng mga fans niya. Sa seryeng ito, gagampanan niya ang role ni Lalo, isang lalaki na bigla na lang nagising isang araw na babae na. As a man she broke the heart of a girl kaya ipinakulam siya at naging babae. Si Wendell Ramos siya kapag lalaki siya.

Turning 18 na next month si Rhian. Siyempre, magkakaroon siya ng debut sa Embassy with her family and friends in attendance. Maski na ang dad niya who works abroad will fly in to be with her. Isang half Welsh half-English ito na may iba nang wife. He married just recently to a Thai and Rhian flew to Thailand to attend his wedding.

“Okay naman sila ng mom ko, (who incidentally has remained single) kahit separated sila. Dalawa lang kaming magkapatid, may ate ako. My dad has no other children except the two of us. He has always supported us,” pagmamalaki pa ni Rhian.

 Wala pang nakukuha para maging escort niya si Rhian. Unang naisip niyang kunin ay ang handler niya pero, hindi ito pumayag. Baka kung sakali, wala na lang siyang escort. “Sa rami nila baka may magtampo kapag ’di ko nakuha,” sabi niya. 

At almost 18 years old, happy na siya. Maganda ang takbo ng career niya. Sa loob ng maikling panahon ay nakilala naman siya, isang bagay na niri-resent ng kanyang mga detractors dahil hanggang ngayon naniniwala sila na ginamit niya ang pagiging pamangkin ng isang executive ng GMA 7, si Ida Ramos, para siya sumikat. “Pero, sa totoo lang it was Tita Annette Abrogar, who saw me in my McDo commercial at ipinahanap niya ako para mag-audition-in sa GMA 7,” paliwanag ng magandang debutante na bagaman at nalulungkot dahil ayaw siyang tantanan ng mga detractors niya, mas binibigyan niya ng importansya ang mga magagandang nangyayari sa kanyang buhay ngayon.

* * *

Napaka-sexy nung indie movie na napanood ko nung gabing napakalakas ng ulan, sa UP Film Institute. Ito ang Room 213 starring Gwen Garci and Allen Dizon bilang mag-asawang nawalan na ng init ang pagsasama. Dumating ang mga sexy parts ng movie sa kanilang paghahanap ng paraan upang muli itong mapag-alab.

Kasama rin sa pelikulang ito ng Viva Films na dinirek ni Keith Sicat sina Maricar dela Fuente at Tyron Perez.

Namumutiktik ang pagpo-frontal nudity ni Gwen sa movie. Ilang ulit siyang mapapanood na naliligo at nakasakay sa isang batya. Sari-sari ring mga love scenes bet­ween her and Allen, with Tyron, and even with Maricar, ang lahat para lamang makatulong sa sexual experiment nina Gwen at Allen after 10 years of marriage. Sa loob ng isang kwarto, naglalaro silang dalawa, gaganap ng iba’t ibang papel at gagamit ng ibang tao for their sexual expe­riment.

Magtagumpay kaya siya? Palabas na ang Room 213 sa Robinson’s Movie World simula September 24.

FILM INSTITUTE

GWEN

GWEN GARCI AND ALLEN DIZON

IDA RAMOS

ISANG

NIYA

PERO

RHIAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with