^

PSN Showbiz

CHAIRMAN FERNANDO napapaboran ng Celebrity Duets

- SEEN SCENE -

Seen : Sina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco sa isang restaurant sa Pasig City noong Lunes ng gabi. Seksing-seksi si Gretchen. Kaya hinding-hindi totoo ang tsismis na nasa interesting stage siya.

Scene : Ang mga balita na inilaglag ni Gabby Concepcion ang kanyang manager na si Rose Flaminiano nang dahil sa mga usapin sa pera. Hindi bago ang balita. Ginawa na rin ‘yon ni Gabby kay Lolit Solis nang maganap ang Manila Filmfest scam noong 1994. Fourteen years ang itinagal ng friendship nina Lolit at Gabby. After 14 years, naulit ang history. Ang kanyang bagong manager ang inilaglag ni Gabby.

Seen : Ang negatibong reaksiyon ng mga tao sa mga sinabi ni DJ Mo Twister laban kay Bunny Paras, ang ina ng kanyang anak. Naging honest si DJ Mo sa pagsagot ngunit hindi lahat ng tao ay mauunawaan siya. Nagmarka sa utak ng mga tao ang pahayag ni Mo na mahilig sa drama ang kanyang ex-live in partner.

Scene : Ang pagpapa-cute ni William Martinez sa Showbiz Central noong Linggo. Hindi ni-reinvent ni William ang sarili. Hindi na siya nakaalis sa kanyang Pabling image. Napag-iwanan si William ng Regal Babies na kakontemporaryo niya.

Seen : Si Marvin Agustin sa harap ng Edsa Shangri-la Hotel entrance. Tila may hinihintay na sundo si Marvin.

Scene : Ang mababaw na sagot ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa isyu na ipinatatanggal ng LTO ang mga Bayani sticker na nakadikit sa mga pampasaherong bus. Sumagot ang  MMDA Chair na walang masama sa Bayani stickers dahil nilalagyan nga ng lapida ang mga nitso ng patay. Mababaw na sagot na pabor kay Fernando dahil mapag-uusapan ang pagiging contestant niya sa Celebrity Duets.

BAYANI

BUNNY PARAS

CELEBRITY DUETS

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

EDSA SHANGRI

GABBY CONCEPCION

LOLIT SOLIS

MANILA FILMFEST

MO TWISTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with