Zorayda Sanchez patay na

 Namatay na sa edad na 58 anyos dahil sa sakit na kanser kamakalawa ang komedyana at writer na si Zorayda Sanchez.

 Nabatid na, nauna rito o noon ding Miyerkules, inilabas sa Marikina Valley Hospital si Zorayda dahil wala nang magawa ang mga doktor para malunasan ang kanyang sakit.

Ayon sa kapatid ni Zorayda na si Dina, sa bahay na nalagutan ng hininga ang aktres.

 Naulila ni Zorayda ang anak niyang si Alexis na isang medical student sa University of the Philippines.

 Napaulat na matagal nang pinahihirapan si Zorayda ng sakit na breast cancer.

Nakaburol ang kanyang labi sa Angono, Rizal.

Show comments