Angel at Piolo grabe ang magiging lovescene

Super daring ang magiging lovescene nina Angel Locsin at Piolo Pascual sa gagawin nilang pelikula na may tentative title na Land Down Under.

Kuwento ng mga cowboy ang nasabing project nila na nagkaroon na ng story conference kahapon at sa Friday ay magsisimula na silang mag-shooting. Sa Bukidnon sila unang pupunta kung saan sila tatagal ng almost a month at after three days papahinga lang sila ng konti sa Manila saka sila didiretso na sa Australia, North territory kung saan kukunan ang outback part.

Meron din silang makakasamang Australian actor - si Brent something dahil hindi na matandaan ni Direk Rory Quintos kung anong apleyido ng Australian actor.

November 12 ang target playdate ng pelikula.

Show comments