Apo ng kilalang pamilya sa showbiz walang breeding

May pagka-makapal din pala ang face ng isang anak ng kilalang mag-asawa sa showbiz. As in nang minsang mag-OJT daw ito sa isang malaking company, nadiskubre nilang walang breeding ang bata dahil ni hindi marunong gumalang sa mga boss sa nasabing kumpanya. Aba kung tawagin daw ang mga bossing ng kumpanya, first name basis.

“Parang hindi galing sa buena familia,” emote ng isang worker ng kumpanya.

Samantalang ‘yung lola ng bagets na ito, grabe ang pagka-sosyal at old rich talaga.

Heto pa, nakakaloka raw na dedma ang buong opisina sa kanya dahil nga may pagka-supladita. Pero wa care ang bagets.

Ang ending, after two days, nag-disappear na ang bagets na requirement ang OJT sa papasukan niyang bagong eskuwelahan.

* * *

Feel namin na bawas na ang namimirata dahil sa sunod-sunod na raid ng Optical Media Board headed by Chairman Edu Manzano. Though andyan naman sila forever pero at least, may ilang nadadala na at nababawasan ang mga nagbebenta. Yung iba dahil madalas ma-raid, nag-divert na sa ibang negosyo. Give up na sila sa pagbebenta ng pirated goods (video and audio) dahil oras na ma-raid sila wala na, diretso na yun sa ‘basurahan.’ Lugi agad sila.

Anyway, now it can be told, hindi totoong affected ang pelikula dahil sa pirata. Kasi kung gusto talaga nilang panoorin, nagbabayad sila sa sinehan. Tingnan n’yo nga ang nangyari sa A Very Special Love na hanggang ngayon ay palabas pa sa mga sinehan. Oo naman, napirata, pero hindi naman apektado ang kita. Halos aabot na raw sa P200 million ang kinita ng pelikula nila Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz. Kaya ngayon, hindi nga puwedeng sabihin na kaya hindi kumikita ang Tagalog films ay dahil sa pirata.

Iba kasi pag sa sinehan ka nanood pag maganda ang pelikula. Yung mga pelikulang palabas lately, lahat kumita kahit may pirated copies.

* * *

 Uy simula na ngayong gabi ang Season 2 ng Celebrity Duets hosted by Ogie Alcasid and Regine Velasquez sa GMA 7.

Parang exciting ang palabas dahil kanya-kanyang character ang mga kasali - from Ms. Cory Quirino, JC Buendia na designer ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, si MMDA Chairman Bayani Fernando, Joey and Melanie Marquez, JL Cang (bagets na chef), Phil Younghusband (football player) at Carlene Aguilar.

Siguradong kanya-kanyang gimik na naman ang gagawin nila tulad sa unang season.

Ang winner na si Ms. Tessa Prieto-Valdes ay kasama sa tatlong judges ngayon ay aminadong effective sa contest ang vote buying sabay tawa.

By the way, agree ako sa sinabi ng isang entertainment editor na nabahiran ng kasosyalan ang programa dahil kay Ms. Tessa.

* * *

Special thanks sa mga mababait na staff ng Hearts of Jesus and Mary Church in QC - Dodo Asuncion, Lanie Autencio and Ola Aviles and special mention to Rev. Fr. Aris L. Sison.

Show comments